Bianca Manalo is enjoying John Prats’ company

ADVERTISING

Bianca Manalo is enjoying John Prats’ company

Bianca Manalo is enjoying John Prats’ companyIS ROMANCE FLOATING in the air between John Prats and Bianca Manalo? Marami kasi ang nagtatanong kung mauuwi kaya sa totohanan ang friendship ng dalawa lalo pa’t pareho silang single ngayon. Nakakatulong din siguro ang madalas ni-lang pagkikita sa Happy Yipee Yehey bilang co-hosts para lalo pa nilang makilala ang isa’t isa.

ADVERTISING

Paano ba nagsimula ang lahat ng isyu tungkol sa kanila? Naging tampulan kasi ng tukso ng kanilang mga kasamahan sa show ang dalawa. It was even alleged that Bianca was the third party in the Pratty-Rachelle Ann Go break-up.

Nakorner kamakailan ng The Buzz si Bianca para tanungin kung ano na ba talaga ang real score sa kanilang dalawa ni Pratty. Binigyang-linaw rin niya ang nangyari noong July 6 episode ng Happy Yipee Yehey kung saan isinuot ni Pratty ang isang bracelet sa kanya. Wala raw itong ibang ibig sabihin, ayon kay Bianca.

“Kung napanood n’yo iyong episode sa Happy Yipee Yehey noong inabot iyong bracelet, lahat nag-start iyon sa ‘Ikaw Ang Bida’ (portion). Iyong contestant, ang task niya [ay] kailangan niyang magbigay ng sampung bracelets sa sampung single na tao. So ang sabi ko, single din ako, lagyan din ako. Biglang sinabi ni Pratty na, ‘Ah gusto mo? O sige, sige, sige.’ Nagulat ako [dahil] nagpunta siya ng studio [at] isinuot niya sa akin. Iyon lang iyon,” paliwanag ni Bianca.

ADVERTISING

Hindi na nakaiwas pa si Bianca nang aminin niyang they are going out together.  “Lumalabas naman talaga kami. Minsan as a group, kasama ko friends ko, kasama niya iyong mga friends niya. Basta masaya kami ngayon. Masaya kami sa company ng bawat isa.”

Pero mariin namang itinanggi ni Bianca ang reports that she was spotted together with Pratty at Rockwell at nagkita silang tatlo ni Rachelle Ann na ex-girlfriend ni Pratty. Ito ay kaugnay sa balitang may nag-post ng picture nilang nagdi-date diumano sa isang mall. Hindi rin siyempre maiiwasan na iugnay ito sa isang tweet ni Rachelle Ann. Sinabi ng singer-actress na may nakita raw siya sa mall. We quote, “Madami akong nakita sa Rockwell! Fun!” Idinagdag pa ni Rachelle Ann sa kanyang tweet na “Oh, what a small world”. Kaya marami ang nag-iisip that the three have incidentally crossed paths inside the mall.

So may pag-asa ba si Pratty kay Bianca kung saka-sakali? “Tingnan na lang po natin,” ang kanyang maikling sagot. But who knows? Anything is possible. Hindi natin alam ang maaaring mangyari sa hinaharap at malay natin baka Pratty and Bianca will end up together.

Kaibigan, usap tayo muli!

Points of Boy
by Boy Abunda

ADVERTISING