Bianca Manalo, idine-date ni Enchong Dee

HOW TRUE ANG nasagap naming balita na nilayasan si Lovi Poe ng kanyang make-up artist dahil sa kakuriputan?

Pati na rin daw ang sponsor na salon ni Lovi ay tinaba-ngan na rin daw sa dalaga dahil hindi man lamang daw ito marunong magpasalamat every time na siya ay seserbisyuhan sa salon.

Hindi na raw ma-take ng make-up artist ni Lovi ang masyadong kakuriputan ng dalaga. Pagkatapos kasi niya itong serbisyuhan ay ni hindi man lamang daw ito nagbibi-gay ng tip.

True ba ito, Lovi?

MUKHANG SI BIANCA Manalo ang tinutukoy ni Erich Gonzales na nagpapatibok ng puso ni Enchong Dee ngayon.

Sa launching kasi ni Erich as the new face of Careline cosmetics, nadulas ang dalaga at sinabing may babaeng inspirasyon ngayon si Enchong. Hindi naman niya mapangalanan ang babae dahil na rin siguro sa hiya sa dati niyang ka-love team.

Anyway, inamin ni Enchong na nanood nga sila ng sine ni Bianca sa isang sosyal na mall sa Makati, pero hindi raw matatawag na date iyon. May iba kasi silang kasama noon, ‘yung bagets na cast ng Shout Out at kasama rin si Erich.

Kaya pala inspired magtrabaho ngayon si Enchong ay dahil may bago siyang inspirasyon.

Si Rayver kaya ang tinutukoy ni Cristine Reyes na pinatatanggal ng isang cast member ng ASAP Rocks?

Nalaman kasi namin na madalas mabawasan ang production numbers ni Rayver sa ASAP. Minsan ang tatlo ay nagiging dalawang number dahil may isa raw taong ayaw siyang makasama sa TV frame.

Talaga yatang ayaw na ng isang kampo na makatrabaho si Rayver. I-lang beses na rin kasing nangyari na almost done deal na ang isang pro-ject pero hindi naman natutuloy.

Anyway, masaya naman si Rayver sa kanyang love life at mukhang hindi naman kawalan sa kanya ang isang taong ayaw rin naman sa kanya. Naka-move on na siya at suwerte si Cristine dahil talagang minahal niya ito. Actually, suwerte rin naman siya kay Cristine dahil inamin nito ang kanilang relasyon at hindi ito naging patago. Talagang ipinaglaban siya ni Cristine.

MAY PAGBABAGONG MAGAGANAP sa Umagang Kay Ganda. Mukhang magre-revamp ang morning show na ito ng ABS-CBN.

Ang alam namin, kapag may mga ganitong senaryo ay iisa lang ang ibig sabihin nito – hindi masyadong nagre-rate ng show.

Baka may bago na namang segments at bagong personalidad na isasama sa show. Hindi kaya kabilang na dito si Venus Raj na bagong talent ng Dos o kaya si Valerie Concepcion na umamin sa amin na may offer nga sa kanya to be part of ABS-CBN’s morning show?


Lex Chika
by Alex Valentine Brosas

Previous articleJudy Ann Santos, enjoy sa pagbi-breastfeed kay Baby Luchio!
Next articleRyan Bang, may video scandal?!

No posts to display