Bianca Manalo desires John Prats?!

ADVERTISING

 Bianca Manalo desires John Prats?!

 Bianca Manalo desires John Prats?! KAPANSIN-PANSIN ANG MADALAS na panunukso ng mga hosts ng Happy, Yipee, Yehey kina John Prats at Bianca Manalo. Ayon sa mga taong nakapalibot sa dalawa, madalas daw mahuling nakatitig ang beauty queen-turned-actress sa aktor. Isang open secret naman sa showbiz na karelasyon ngayon ni John Prats ang Kapuso diva na si Rachelle Ann Go, kaya marami ang nagugulat sa kumakalat na chismis tungkol sa dalawa. Diumano’y extra ang ka-sweetan ng dalawa sa set ng Happy, Yipee, Yehey.

ADVERTISING

Nang tanungin sa isang interview kung type ni Bianca na maging boyfriend in real-life si John, ang tanging sagot lamang nito ay ‘humahanga’ siya.

Is that an indirect way of saying yes, ‘ateng? Ayaw ng mga biritera ng ganyan, huh!

 

ADVERTISING

BELA PADILLA, PAHIHIRAPAN SI JACKIE RICE!

All-out na sa pagiging primera kontrabida ang pamangkin ni Robin Padilla na si Bela Padilla. Pagkatapos maabot ang leading lady status sa Machete, balik sa pagiging kontrabida ang dalaga

Kung noon ay tamed pa ang pagiging antagonist nito kay Marian Rivera sa ‘Endless Love’, ngayon naman ay sukdulang kamalditahan ang mararanasan ni Jackie Rice kay Bela Padilla.

Aminado ang aktres na napaisip siya kung tatanggapin niya ang naturang role o hindi. Masaya naman si Bela sa tiwalang iginagawad sa kanya ng Kapuso Network. Para sa kanya, there’s no big or small role. Hindi naman daw mababa ang tingin niya sa kanyang sarili kaya confident ito na magagampanan niya nang mabuti ang bagong hamon sa kanyang ka-rera.  Sige nga, prove your worth!

 

KRIS BERNAL, GUSTONG SUNDAN ANG YAPAK NI KIM CHIU SA PAGPAPAPAYAT?

Marami ang nakakapuna sa pagbawas ng timbang ng Kapuso actress na si Kris Bernal. May mga nagsasabing sinasadya raw ng dalaga ito para sa upco-ming dance-seryeng Jump, kung saan makakatambal niya sina Mark Herras at Rocco Nacino. Required daw kasi siyang magsuot ng revealing outfits kaya naman gusto nito na sexy ang kanyang figure.

Pero teka, totoo kaya na ang peg ng aktres sa kanyang slimming program ay ang rival niya sa Dos na si Kim Chiu? Matatandaang na-isyu rin si Tsinita aktres na isang anorexic dahil sa kagustuhang pumayat para sa mga showbiz rakets.

Naku Kris, huwag lang sobrahan ha? Be healthy!
Show Twitz
Pinoy Parazzi News Service

ADVERTISING