Bianca Manalo at John Prats, nagli-live in na?!

Bianca Manalo at John Prats, nagli-live in na?!

Bianca Manalo at John Prats, nagli-live in na?!

NAIMBIYERNA RAW nang husto ang manager ni Derek Ramsay na si Jojie Dingcong sa hunk actor.

Paano ba naman, siya ang manager ni Derek pero hindi siya nakasama sa meeting ni Derek kasama ang kanyang father last week sa bigwigs ng ABS-CBN. Feeling daw tuloy ni Jojie ay taken for granted siya.

Teka, bakit nga ba hindi isinama ni Derek ang kanyang manager sa meeting niya sa mga bossing ng Dos? Bakit ang father niya ang kanyang isinama.

Tsika sa amin ng isang source, matapos ang meeting ay mukhang hindi na raw lilipat sa Singko si Derek.

But knowing how unpredictable showbiz is, anything can happen at baka magbago pa ng kanyang isip si Derek at lumipat pa rin.

 

JOHN PRATS and Bianca Manalo are rumored to be living in together.

Kasi naman, madalas o araw-araw yatang nakikita ang beauty ni Bianca sa balaysung ni John. Ordinary na nga lang daw para sa mga kapitbahay ng actor-dancer na ma-sight doon ang beauty queen.

Well, baka naman madalas lang na nakatambay roon ang hitad kasi nga, wala naman siyang ginagawa yata ngayon. After matigbak ng kanyang noontime show, nothing has been heard of her na, ‘di ba?

Bianca Manalo at John Prats, nagli-live in na?!

NADUWAG BA si Rhian Ramos at inisnab niya ang presscon ng latest movie niya?

Sadya bang hindi siya pina-attend para maiwasan ang mga posibleng itanong sa kanya ng movie press?

Nakakaloka na ang isang movie ay pino-promote na wala ang mga bida, hindi ba?

Bakit pinapayagan ng producer na mangyari ito? Malakas ba si Rhian sa producer ng pelikula niya?

Seemingly, Rhian will never be able to escape from the clutches of controversy hangga’t hindi niya nabibigyan ng linaw ang mga issue sa kanya. Her voice must be heard.

Kaya lang, pilit naman siyang pinatatahimik sa mga issue sa kanila ni Mo.

‘Kala ko ba walang kinikilingan, walang pinoproteksyunan ang kinabibilangan niyang network.

Hindi napanindigan? That’s funny!

 
Lex Chika
by Alex Valentine Brosas