Bianca King, sumasakay sa pagbabalikan nina Jennylyn Mercado at Dennis Trillo

Bianca King, sumasakay sa pagbabalikan nina Jennylyn Mercado at Dennis Trillo

Dennis-Trillo-Jennylyn-Mercado-Bianca-KingSUMABAY NAMAN si Bianca King sa isyung pagbabalikan nina Dennis Trillo at Jennylyn Mercado.

Siyempre, may bago siyang talk show sa TV 5 kaya nu’ng nagpa-presscon, hindi maiwasang itanong ang tungkol sa break-up nila ni Dennis.

Dati ay quite lang si Bianca, pero ngayon bilang isa na siyang tsismis show host, hindi siya puwedeng mag-no comment lang. Kaya inamin nga niyang sa text lang daw nakipag-break sa kanya si Dennis.

Matagal din daw niyang dinala ‘yun at nasaktan siya nang husto. Pero natanggap din niya bandang huli at nakapag-move on na siya, kaya puwede na niyang pag-usapan ngayon.

Pero kasalukuyan namang pinag-uusapan ang pagbabalikan daw nina Dennis at Jennylyn, kaya du’n mas interesado ang mga fans.

Mas kinikilig sila sa pagbabalikan ng dalawa nang nalamang magkasama sila sa Balesin Island nu’ng nakaraang Semana Santa.

Ang akin naman, keber ko ba kung nagkabalikan sila. Mas curious ako kung sino ang member du’n sa Balesin kaya sila nakapagbakasyon doon. Hindi kaya kay Dra. Vicki Belo na membership ang ginamit nila? Naku! ‘Yan ang una kong itatanong sa kanila, kesa tanungin ko kung nagkabalikan silang dalawa!

Mga Mata ni Lolita
by Lolit Solis