Bianca King, palpak ang pagsawsaw sa Manny-Krista issue?! – Chit Ramos

ADVERTISING

Bianca King, palpak ang pagsawsaw sa Manny-Krista issue?! - Chit Ramos

Bianca King, palpak ang pagsawsaw sa Manny-Krista issue?! - Chit RamosKONTRABIDANG-KONTRABIDA ANG DATING ni Bianca King sa presscon proper ng The Last Prince ng Kapuso network. True to her role as “Bawana” na may dalawang mukha (isa’y pangit na pangit at ang kabila ay ganda-gandahan) ang hitsura niya na nagtutungayaw sa isang balkonahe sa labis na pagkasuklam sa bidang sina Aljur Abrenica at Kris Bernal.

ADVERTISING

Naalaala kasing bigla ang pakikisawsaw niya sa mainit na isyung Krista-Pacman dahil lang sa isang tent. Kaliwa’t kanan ang ginawa niyang pagpapa-interview dahil pinaalis daw siya ni Krista (iyon pala’y tita nitong si Suzette) sa tent at inilabas pa ang gamit niya.

Hindi na lang kumibo si Krista nang mga sandaling iyon at nag-sorry pa ito kay Bianca. Pero, gusto rin pala ng hitad na pati Tita Suzette ni Krista, mag-sorry rin sa kanya. Nagtagumpay naman si Bianca, pero may kasamang halakhak ang panonood sa bawa’t interview niya. Naghuhulaan kung sisikat ang dating dyowa ni Champ ng bandang Hale sa gimik niyang lalong ilublob ang underdog ng panahong iyon (si Krista).

Buong-ningning na naghihintay uli si Bianca ng mga kakalumpon sa kanya para interbyuhin for The Last Prince. Pero, kahit isa, walang lumapit sa kanya. Walang naging interesado. Buti na lang at nandu’n ang TV crew ng GMA-7 na nagligtas sa kanya. Kahit anong pilit din ng ilang house PRO’s na interbyuhin ang hitad ay hindi nagtagumpay. Wala talagang lumapit kay Bianca. Maging aral nawa ito sa hitad na ilagay sa lugar ang pakikisawsaw sa isang issue.

ADVERTISING

Now, it can be told na talagang prinotektahan ng Solar Films nang mga sandaling iyon si Krista dahil nasa kainitan ang isyu sa kanila ni Pacman. She was promised by the film producer na pagso-solohin siya sa tent para makaiwas sa mga interviews o curiosity ng kanyang co-stars. Hindi nag-demand si Krista, kundi kusang inialok sa kanya ng produ. Nasa States nang mga sandaling iyon si Krista at “nagpapalamig” sa isyu. Pero, kinailangang umuwi siya ng ‘Pinas dahil commitment niyang tapusin ang pelikula.

Kaya nga, na-assign si Bianca sa kabilang tent kung saan ka-grupo niya ang iba pang cast. Hindi niya nagustuhan ang ingay ng mga kasama sa tent, kaya’t bigla na lang siyang sumulpot sa tent ni Krista with matching gamit. Actually, hindi nga nila masabi na para kay Krista lang ‘yung tent. Nang araw na iyon lang naman. Naganap tuloy ang hindi inaasahan.

Iyon na nga lang, nabigo si Bianca na maging passport iyon para siya maging bida. Tanggapin na niya ngayon na manatiling kontrabida siya all her life sa showbiz.

KAKAIBA NAMAN ANG nangyari kay Princess Punzalan na dinumog talaga ng movie press. Nakikipagngitian talaga ang mga ito sa TV crew ng GMA. Mahal ng movie press ang isang taong, hindi pilit ang pagpapa-controversial. Kung tutuusin, walang controversy tungkol kay Princess. Tahimik na kasi ang buhay niya sa Canada sa piling ng kanyang foreigner husband na isang preacher. Bumabalik lang siya ng ‘Pinas kapag may magandang offer tulad nitong pagiging “Alwana” dakilang ina ni “Bawana.”

Ganu’n din si Eula Valdez na na-interview na agad ng movie press before the presscon proper habang nagsisigarilyo sa labas.

Bongga naman ang exit ni Carmina Villaroel na hinahanap-hanap lalo na ng inyong lingkod. Nagsabi na pala si Carmina na aalis siya agad dahil birthday pala ng kambal nila ni Zoren Legaspi. Ang dami pa namang gustong mag-interview sa kanya, dahil napakaganda niya bilang “Reyna Lamara” na asawa ni “Haring Adorno” played by Emilio Garcia.

BULL Chit!
by Chit Ramos

ADVERTISING