Bianca King, mas naiintindihan na ngayon ang trabaho ng entertainment media

Bianca King, mas naiintindihan na ngayon ang trabaho ng entertainment media

Bianca King, mas naiintindihan na ngayon ang trabaho ng entertainment mediaBianca King understands a reporter’s job more than ever, thanks to her hosting stint in the now-defunct “Showbiz Kunek na Kunek” on TV5.

In particular, ang bahagi ng trabaho ng reporter na nauunawaan ni Bianca King is being able to score exclusive stories to arouse the interest of her audience. “Also, being a host, you need to be good at adlibbing and not just relying on the script,” aniya.

Pero ang pinakamahalagang aspeto raw most specially in dealing with her subject is to be fair and balanced even at the risk of already intruding into the latter’s privacy.

Dahil pahinga ngayon si Bianca sa tsismis show, she’s back in light acting. This Saturday, isa siya sa mga tampok na bituin sa ikatlong episode ng “Wattpad Presents My Soul Mate from Another Planet”.  Mapapanood ito pagkatapos ng “Tasya Fantasya” sa TV5.

 

SA OPENING number pa lang ng nakaraang ikalawang pagsasahimpapawid ng “Born To Be A Star” nitong Sabado, conspicuously absent ang isa sa apat nitong hurado na si Pops Fernandez.

Sinimulan kasi ni Ogie Alcasid ang pambungad ng programa with a danceable tune by Gary Valenciano, and just we were waiting for Pops ay ang Asia’s Queen of Songs, who else but Ms. Pilita Corrales ang iniluwa ng mailaw na entablado.

Agad kaming nag-text sa BTBAS director na si Monti Parungao halfway through the show inquiring kung si Tita Pilita na ba ang replacement kay Pops. Pero reply ni direk Monti, the Concert Queen would sit as judge this Saturday.

Iba rin kasi ang judge’s insights ng beteranang mang-aawit, her iconic status is what sets her head and shoulders above Andrew E, Rico Blanco, and Aiza Seguerra. Buti na lang, babalik na sa Sabado si Pops as we can’t imagine Tita Pilita taking on the job again gayong minsan na rin siyang nag-host ng makasaysayang singing competition noon sa TV, ang “Ang Bagong Kampeon” that produced Ogie’s wife Regine Velasquez.

Just a thought, sa nakaraan kasing BTBAS episode ay nag-tie ang dalawa sa apat na star hopefuls named Joas and Nikki. Medyo hindi lang kami sold to Nikki’s shared victory, na bagama’t mukhang artistahin ay parang nanood lang kami ng school program with her song na hindi naman isang contest piece.

 

IN HIS heart of hearts ay ano kaya ang pakiramdam ni Senator Bongbong Marcos sa litanya ng kanyang running mate na si Senator Miriam Santiago laban sa binabalak nitong pagpapakulong sa mga magnanakaw sa gobyerno?

Employing her brand of political humor, ani Santiago in their recent campaign sortie sa isang lalawigan ay ipakukulong niya ang mga bureaucratic thieves in what obviously are passenger sections sa isang eroplano:  economy, first class, at business class.

Pero hindi ba’t pasaring na rin ito sa pamilya Marcos accused of amassing ill-gotten wealth? At ano rin kaya ang nararamdaman at that precise moment ni Ginang Imelda Marcos whose sequestered billions-worth of jewelry believed to be part ng kayamanang ‘yon ay itinangging may alam si Bongbong?

Mga alahas ng kanyang ina, hindi alam ni Bongbong kung paanong nangingintab sa katawan ng kanyang ina?

Bongbong, however, stands his ground: kung anuman daw ang mga pagkakasala ng rehimeng Marcos sa taumbayan ay wala siyang dapat ihingi ng tawad.

So, kung sakaling ang panahon na mismo ang maghiganti sa kanya ay wala ring dapat ipagsintir ang nangangarap maging tagapagmana ni Binay.

Pepperoni
by Ronnie Carrasco III