Bianca King, marami pang gustong patunayan

Bianca King, marami pang gustong patunayan

Bianca-KingTRENTA-ANYOS NA si Bianca King, pero pagdating sa lovelife, hindi pa rin siya nagmamadali na magpakasal. Para sa Tisay na maganda at sexy ay parang ang bilis lang lumipas ng panahon at mula sa pagiging bagets, nang mag-showbiz siya ay lalong bumilis ang takbo ng oras. Naging busy siya, at thirty na raw pala siya. Pero para sa kanyang sarili at sa career, ang dami pa raw niyang gustong patunayan at gawin. Sa ngayon, gusto niya na nakapagho-host siya ng programa.

Nagtatagal din naman kasi ang mga pakikipagrelasyon ni Bianca ‘tulad ng sa kanila noon ni Patrick Garcia. Pero isa sa pinakamalungkot na relasyong dinaanan niya ay ‘yung sa kanila ni Dennis Trillo. Pero matapang naman siya lagi kapag kailangan na niyang makalimot sa masakit na pakikipaghiwalay sa kanyang mga nakakarelasyon. Hindi muna siya nagsasalita at pinagbibigyan lang niyang lumipas ‘yung pakiramdam na nasasaktan pa siya.

Masaya na ulit ngayon si Bianca sa kanyang lovelife. Dahil hindi naman siya nagmamadali na magpakasal, sa ngayon ay career talaga ang kanyang tinututukan. Suwerte na naging busy ulit siya nang mapunta siya sa TV5, dahil kasama siya ngayon sa programang Showbiz Konek Na Konek. Kasama rin siya sa sitcom na Mac & Chiz.

ChorBA!
by Melchor Bautista