Bianca King, inaming sa text lang siya hiniwalayan ni Dennis Trillo

Bianca King, inaming sa text lang siya hiniwalayan ni Dennis Trillo

Bianca-KingMARAMING SHOWBIZ writers ang pinahanga ng newest talk show host ng TV5 via Showbiz Konek na Konek na si Bianca King sa pag-amin na si Dennis Trillo ang kanyang ex-boyfriend na nakipag-break sa kanya through text.

Naganap ang pag-amin ni Bianca sa mismong presscon ng show, kasama ang dalawa pang co-hosts na sina IC Mendoza at MJ Marfori.

At sa ginawang pag-amin ni Bianca, sumaludo rito ang karamihan sa mga naimbitahang press people na naroroon at pare-parehong nagsabi na bagay na talk show host si Bianca dahil sa kanyang katapangan, walang takot, matalino, makakatotohanang paglalahad ng balitang showbiz.

Kaya naman paniguradong maraming mag-aabang sa mga magiging pasabog na showbiz balita ni Bianca sa show na mapapanood tuwing Lunes hangang Biyenes, 11 ng umaga sa Kapatid Network.

John’s Point
by John Fontanilla