Bianca King, inaming naging sila ni Dennis Trillo

Bianca King, inaming naging sila ni Dennis Trillo

Bianca-King-Dennis-TrilloKUNG SI Dennis Trillo ay wa-comment kapag tinanong kung nagkaroon ba sila ng relasyon noon ni Bianca King, ang mestisang actress naman ay walang kiyeme na inamin sa ilang entertainment press na totoong naging sila ng actor.

“Almost a year din ang naging relasyon namin. Basta, bigla na lang hindi na nagkita at nagkibuan,” pag-amin ni Bianca nang makausap namin sa pocket interview for her Wattpad Presents: His Secretary with John James Uy na magsisimula next week sa TV5.

No regret naman siya sa naging relasyon nila ni Dennis kahit na hindi nagkaroon ng closure ang pagmamahalan nila.

Ang sikreto ay natagpuan na raw niya ang tunay na lalaking magmamahal sa kanya na katulong na rin niya ngayon sa itinayong resto at health gym na negosyo.

Walang kagatul-gatol nang tanungin kung sino ba itong guy na nagpapasaya sa kanya ngayon?

“Si Julio (Villafuerte),” kaagad na pagmamalaki ni Bianca sa pangalan ng boyfriend na mas bata sa kanya ng edad. Siya kasi ngayon ay 28 years old na samantalang ang guy ay 23 years old pa lang pero matured na raw ang pag-iisip.

Nasa TV5 na si Bianca ngayon dahil ‘di naman daw ini-renew ng GMA 7 ang kontrata niya kaya walang problema kahit saang network siya tumanggap ng project.

Maganda ang offer na project kay Bianca sa TV5. Pagkatapos ng Wattpad Presents: His Secretary ay may soap siyang gagawin kasama sina Derek Ramsay at Empoy.

Hindi lang makapaniwala ang ilang press na kausap ni Bianca nang sabihin nito na si Empoy ang magiging kapartner niya sa soap at hindi si Derek.

Take note, payag rin si Bianca na makipag-kissing scene kay Empoy kung kailangan daw talaga sa istorya.

When asked about her dream of directing dahil nakatapos naman siya ng pag-aaral ng film directing, “Mahirap kasing magdirek. Kailangan mo talagang mag-concentrate. Eh, sa ngayon ay hindi ko kakayanin. Maybe, pagkatapos ng lahat ng mga plano ko,” pagtatapos ni Bianca.

Oh. C’mon!
By Gerry Ocampo