Bianca King, desperada sa publicity

Bianca King, desperada sa publicity

Bianca-KingNATAWA AKO sa banner ng isang kolum ng isang mataray na kaibigang entertainment writer tungkol kay Bianca King na ngayon ay isa sa tatlong host ng bagong entertainment show sa istasyon ni MVP, kung saan dalawa sa mga showbiz eklatera na sina IC Mendoza at MJ Marfori ang makakasama nito.

Kuwento ni Bianca, nakipag-split daw ang guwapong si Dennis Trillo sa kanya thru text message lang. Kalurkey!

Ngayon na si Dennis at Jennylyn Mercado ay tila nagkabalikan (at nakikita sila lately kung saan-saan enjoying each other’s company), heto’t si Bianca na past tense ni Dennis na ay tila gumagawa ng eksena para mapag-usapan at ang publicity spin niya sa sarili ay ang split-up nila ni Dennis na idinaan na lang diumano ng aktor sa pamamagitan ng text.

Kabaliw. Tama ba naman na ipangalandakan mo ang pagiging talunan at kay babaeng tao mo, si Bianca pa ang magbabandera sa ginawa sa kanya ng dating kasintahan just for the sake na may issue para mapag-usapan siya?

Desperado ang tawag ko sa ganyan. No wonder, sa Kapuso Network na alam kong artista siya ng istasyon na ‘di ko nga alam na nakalipat na pala siya at ngayon kung hindi pa dahil sa posting ni IC Mendoza sa kanyang Instagram account ng photos nila nina MJ at nabasa ko ang banner ng kolum ng bakitang mataray kong friend, ‘di ko alam na may show pala itong si Bianca.

Kahit saan ko man tingnan ang anggulong nag-split sa text ang peg ay super katsipan. Kung sa text ka lang idinaan para makipag-break ang lalaki, saan naman kaya siya idinaan para mapasagot ni Dennis?

Reyted K
By RK VillaCorta