Bianca King at Dennis Trillo, mas type na tago ang kanilang relasyon

Bianca King at Dennis Trillo, mas type na tago ang kanilang relasyon

Bianca King at Dennis Trillo, mas type na tago ang kanilang relasyonNAALIW AKO rito sa bangayan nina Ellen Adarna laban sa mag-inang Isabel Lopez at Mara Yokohama.

Nagsimula ang away nila sa isla at natuloy ito hanggang sa patutsadahan nila sa Twitter account.

Nu’ng nagpa-presscon si Ellen, matindi ang mga sinabi nito laban kina Isabel at Mara. Pati sa taga-Volcanoes na si Arnold Aninion ay irita rin siya.

Nagsabi kasi sina Isabel na “quitter-bitters” daw sina Ellen at ang mga kagrupo nitong sina Jackie Forster at Angelicopter.

Sinagot naman ni Ellen, totoo naman daw na quitter sila pero at least hindi raw sila klepto offcam.

Obvious na ang mag-ina ang tinutukoy niya.

Nang hiningan ng Startalk ng sagot si Isabel, mataray ang sagot niyang ibang topic na lang daw ang pag-usapan dahil insult daw sa intellect niya si Ellen.

Si Mara naman ay nagsalita na kung meron mang gustong sabihin si Ellen laban sa kanila, sabihin niya ito harap-harapan.

Pero kahit ano pa raw ang sabihin nito, at least siya raw ay graduate sa La Salle nu’ng 18 years old pa lang siya.  May degree daw siya na natapos, na parang pinapalabas nitong walang natapos si Ellen.

I’m sure may sagot din diyan si Ellen, at abangan na lang natin ‘yan.

Mainit na rin ngayon ang labanan sa Survivor Philippines dahil malapit nang matapos.

Naghuhulaan na ang mga sumusubaybay nito kung sino ang top three na maiiwan. Malakas daw si Betong dahil wala itong kaaway, pero nandiyan din si KC Montero at Mara.

Kaya abangan na lang natin kung sino nga ang magwawagi sa kanila.

 

PARANG MALAPIT na sigurong umamin si Dennis Trillo na sila na nga ni Bianca King.

Bianca King at Dennis Trillo, mas type na tago ang kanilang relasyon

Sa presscon ng Biritera, ganun pa rin ang sagot niyang friends lang daw silang dalawa, pero totoong lumalabas nga raw silang dalawa lang.

Tinanong ito kung ano ang nagustuhan niya kay Bianca. Sagot nito: pribadong tao raw, edukada at sophisticated.

Parang may something na nga sa kanilang dalawa pero mas pinili nilang maging private na lang.

Tahimik din kasi si Dennis kaya malamang itatago na lang nila ang relasyon nila.

Magkakaalaman na lang pag break na sila!

Samantala, sinabi ni Jennylyn na open naman daw siya sa posibilidad na magkatrabaho sila uli ni Dennis dahil wala naman daw problema sa kanya kahit sino ang ipa-partner sa kanya.

Pero si Dennis naman mukhang hindi pa ready sa ngayon. Sabi niya okay naman daw siya, pero gusto raw muna niyang mag-focus ngayon sa Biritera at sa iba pa niyang show.

Malamang na matagal pa iyan o baka hindi na rin.

Mga Mata ni Lolita
by Lolit Solis