Bianca Gonzalez, nanggalaiti sa netizen na gustong mabalik ang Martial Law

ADVERTISING

Bianca Gonzalez, nanggalaiti sa netizen na gustong mabalik ang Martial Law

Bianca Gonzalez
Bianca Gonzalez

Meron pa rin talagang idiot millenials who believe na walang masama kung ibalik ang Martial Law.

Halos manggalaiti na siguro si Bianca Gonzalez when one guy reacted, “so what if there’s martial law?”

‘Yan ang naging reaction ng guy sa video ni  Bianca about Martial Law kung saan nagsalita ang ilang nabiktima nito.

“Kaya mo bang sabihin sa isang lola na ginahasa at kinuryente ang ari noong Martial Law na “Move on na teh?” tanong ni Bianca sa guy.

ADVERTISING

Ni-raise ang issue ng moving on, pero sumagot pa rin ang TV host, “To forgive is divine. Pero pano kung di naman humingi ng tawad o ng forgiveness? #NeverForget.”

Bianca is right. Walang puwang sa buhay natin ang Martial Law. Hindi yata alam ng idiot millenials kung ano ang mga karumal-dumal na krimen na nangyari noong mga panahong iyon. Hindi kasi sila witness sa hirap na dinanas ng mga Pinoy noong mga panahon ng Martial Law.

Kung ang ama nila at kapatid ay pinatay nang walang kalaban-laban, masabi pa kaya nilang ibalik ang Martial Law?

Kung ang kapatid nila ay ni-rape, hindi kaya sila magwala sa galit?

Kung ang mga kamag-anak kaya nila ay bigla na lang mawala sa mundo, matatanggap kaya nila?

Ang hirap kasi sa mga kabataan ngayon, wala nang dunong, wala pang wisyo.

These are DELUSIONAL IDIOTS who feel that they know everything there is to it.

Lex Chika
by Alex Valentine Brosas

ADVERTISING