Bianca Gonzalez at JC Intal, imbudo sa reporter ng Siyete

ADVERTISING

Bianca Gonzalez at JC Intal, imbudo sa reporter ng Siyete

Bianca-Gonzales-JC-IntalIMBUDO ANG magsyotang sina Bianca Gonzalez at JC Intal sa isang GMA 7 reporter dahil hindi ito tumupad sa kanilang agreement.

Galit na galit si JC sa kanyang Twitter account. “To the reporter from GMA who interviewed me to “plug” for Celebrity Bluff, you know who u are. Hindi ka marunong sumunod sa usapan,” tweet ng binata.

Nasundan pa ito ng isang mensahe na mas mataray, “Walang delikadeza ang ginawa mo. Hindi ka tumupad sa usapan. You told me plugging for CB. ‘Yun pala for your talk show. Dapat naging fair ka.”

“Ano bang mahirap sa pagtanong NG MAAYOS kung pwedeng mag-interview? Bakit kailangan mambastos ng ganyan?” tanong niya.

ADVERTISING

“So disappointing to hear about people taking advantage of others for a “story”. Pwede namang gawin ng maayos at hindi nang-iisa,” tweet ni Bianca

Da who kaya ang ang GMA reporter na ito na walang delicadeza? Masibak kaya siya?

Lex Chika
by Alex Valentine Brosas

ADVERTISING