Bianca Gonzales, wala ring alam sa bagong pakulo sa bahay ni Kuya

ADVERTISING

Bianca Gonzales, wala ring alam sa bagong pakulo sa bahay ni Kuya

Bianca-GonzalezMALAPIT NA ang muling pagbubukas ng Bahay ni Kuya. Marami ang naiintriga tungkol sa 737 sa 10th year ng Pinoy Big Brother (PBB). Kahit ang isa sa host nito na si Bianca Gonzales, wala rin daw idea tungkol dito.

“Actually ito ‘yong season na pinaka-secretive sila. Hindi talaga nila sinabi sa amin,” aniya. “Binigyan nila ako ng konting clue. It’s a combination of personalities at saka twists. And then through the course of the season, saka namin iri-reveal kung anu-ano ang mga ‘yon.”

Marami rin ang nagtatanong, ano pa ba ang magagawa ng PBB on its 10th year? Kasi halos lahat ay nagawa na kaya may aabangan pa ba ang viewers?

“I’m sure may aabangan. Kasi hindi nila isi-secret nang ganito kung wala. ‘Yong puwede ko nang sabihin is that starting next week… kasi usually kapag nag-launch kami, do’n mo pa lang makikilala ‘yong mga housemates. Pero starting next week, iba’t ibang programs ng ABS-CBN, mari-reveal na. Ipakikilala na namin ‘yong mga housemates. Bago sila pumasok sa bahay ni Kuya, makikilala na sila. Gano’n. May mga patikim throughout the week kaya abangan ninyo ‘yan. Kasi at least, you’ll get to know the housemates.”

ADVERTISING

Tungkol naman sa kanyang pagbubuntis, hindi naman daw hirap si Bianca.

“I was always sleepy before. ‘Yong una, second, at third month… talagang laging pagod. Laging antok. Walang ginagawa. Pero pagod na pagod ka na, lagi mong gustong matulog.”

Nananatiling maganda at blooming ang beauty ni Bianca. At base sa paniwala ng karamihan sa mga Pinoy, kapag ganito raw ang aura ng isang nagdadalan-tao ay baby girl ang ipinagbubuntis.

“We don’t know yet,” ani Bianca hinggil sa gender ng magiging baby nila ni JC Intal. “I am 18 weeks… four and a half months (pregnant). Mga five months daw bago malaman ‘yong gender ng baby.”

Sa kaso ng pagbubuntis ni Bianca, parang ang mister daw niyang si JC ang naglilihi.

“Siya ang mahilig mag-crave ng kung anu-anong food.”

Pero lagi raw niyang hinahanap at gustong makita si JC.

“‘Yong iba raw kasi, nagiging ayaw ang amoy ng asawa. Pero ako, gusto ko lagi siyang nakikita.”

Rubbing Elbows
by Ruben Marasigan

ADVERTISING