Bianca Gonzales, waiting for her engagement ring

Bianca Gonzales, waiting for her engagement ringIT WAS BIANCA Gonzalez’ first time to guest on The Buzz’s Tough Ten. Sinabi niya na ito raw ang kanyang inaabangan at paboritong segment sa show.

She was very open about her new boyfriend Vince Santos, owner of Fiamma bar. They met through a common friend last July 2008 at a restaurant in Makati City.

Sinabi ni Bianca na pareho raw silang nag-a-adjust ni Vince sa kanilang relasyon. Vince is a private person but he’s getting used to showbiz. Sinabi ni Bianca nang pabiro na lagi siyang “gumigimik” ngayon.

Mahirap daw kapag magkaiba kayo ng pinaniniwalaan ng iyong boyfriend. “That’s hard. Gusto mo siyempre na pareho kayo ng dreams like he should understand that I want to do something for my advocacies.”

Bianca is a good friend of Judy Ann Santos and Ryan Agoncillo. We asked Bianca kung matutuloy na ang much-awaited wedding ng dalawa. Ang alam daw niya ay si Fr. Tito Caluag ang mag-o-officiate sa kasal. Mukhang nasa planning process na raw ang kasal because Ryan once sent her a text message asking about her personal information.

Payag siyang maging bridesmaid kung sakaling ikakasal sila Mariel Rodriguez at Zanjoe Marudo. “Matutuwa ako because Mariel is one of my best friends,” she said. If Bianca will get married, isa raw si Mariel sa kanyang magiging bridesmaids.

If given the chance, Bianca wants to spend the rest of her life with a businessman.

Bianca admitted there was a point in her life when she begged her boyfriend to give their relationship a second chance. “You have to fight if you believe na may ilalaban pa.”

Bianca’s close friends in showbiz are Toni Gonzaga and Mariel. According to Bianca, si Toni raw ang pinakamagaling na host, pinaka-vain at pinakamayaman, si Mariel ang pinakamaganda at pinaka-may dating sa boys at siya naman ang pinakakuripot at ang unang pupunta sa langit sa kanilang tatlo.

Vince gave her an energy ring with her birthstone on it. Gusto raw niyang ibigay ni Vince ang kanyang engagement ring three years from now.

Kaibigan, usap tayo muli!

Points of Boy
by Boy Abunda