Bianca Gonzales, ayaw pagpistahan ang kasal nila ni JC Intal

ADVERTISING

Bianca Gonzales, ayaw pagpistahan ang kasal nila ni JC Intal

Bianca-Gonzales-JC-IntalAYAW MAKISAWSAW nina Bianca Gonzales at ang basketbolista niyang boyfriend na si JC Intal sa nauusong kasalan ng showbiz personalities natin. Sa darating na December 10, ikakasal na siya sa boyfriend niya na kung maalala pa ay sinorpresa ang TV Host nang mag-propose si JC sa kanya months ago sa NAIA nang mga sandaling papaalis na siya papuntang London para mag-aral on a short course.

Magiging tahimik ang kasalan ng dalawa. Very private dahil ayaw nilang maging pista ang para sa kanila ay isang solemn at makasaysayang pag-iisang dibdib nila ni JC.

Kung ang kasalan nina Dingdong Dantes at Marian Rivera ay punto ng fun fare (with meetup ng mga sponsors, bridal shower sa Hong Kong, etc); ang kina Bianca at JC ay tahimik lang.

Pero gusto ni Bianca na i-share sa kanyang followers at supporters na si Kris Aquino, confirmed na magiging ninang nila sa kasal.

ADVERTISING

Dahil sa simple at very intimate ang kasalan ng dalawa, ang mga kapatid at mga kaibigan ng dalawa ang magiging abay.

In short, hindi showbiz na showbiz ang kasalan nina Bianca at JC.

After ng kasal nila, wala munang honeymoon para sa dalawa. May practice sa Red Bull si JC at si Bianca naman, may mga naka-pending na trabaho na isinantabi sa preparation ng kanilang kasal.

Balita ko, sa South America ang location ng pulot-gata ng dalawa ‘pag nagkataon. Ngayon pa lang, we would like to congratulate JC and best wishes for Bianca.

Reyted K
By RK VillaCorta

ADVERTISING