BF ni Anne Curtis, bad influence?!

OLA CHIKKA! NATAWA naman ako sa balita na itong si Anne Curtis daw ay nagiging prima donna as in pasaway at may A.P. na alam mo na, attitude problem, sa Showtime. Dahil kung dati ay lagi raw maagang dumarating ang magandang hosts sa programa, ngayon ay iilang minutes na lang bago magsimula, wala pa rin. At kung minsan, nale-late at umaabot pa sa puntong hindi na siya dumadalo sa Showtime.

Sa tuwing dumarating daw itong si Anne, almost 5 minutes before mag-start at sobrang haggard pa raw itong dalaga, walang make-up, gulu-gulo ang buhok at kung anu-ano pang isinusuot.

Ang nakikitang dahilan ng nakararami ay itong non-showbiz boyfriend niyang si Erwan Heussaff na nakatira sa Forbes Park, Makati. Kaya itong si Anne daw sa kagustuhang mapalapit sa jowa ay ibinenta ang bahay sa Sucat, Parañaque at bumili ng condo sa Makati. Hindi kaya pinalalabas nilang bad influence ang BF niya? Tsk, tsk, tsk… Bad ‘yan!

Hindi naman ako naniniwalang dahil sa kanyang jowa kaya halos magkanda-late itong si Anne. Taktika lang ‘yan ng kanyang mga detractors upang sirain ang kanyang napakagandang image at pinalalabas na unprofessional siya.

Hindi ba nila maisip na sa sobrang dami ng projects ni Anne kaya hindi na siya ganu’n kaaga nakararating sa set ng Showtime? Meron siyang pelikula with Richard Gutierrez ngayon at sinundan pa ng teleserye niya with Jericho Rosales. Sige nga tingnan n’yo kung kayo ang nasa lagay ni Anne, hindi rin kayo ma-late? At least siya ginagawa niya ang kanyang best na makarating at ano naman kung gulo-gulo buhok niya at hindi siya mag-ayos? Eh, kering-keri naman niya ang kanyang sarili dahil sa ganda ng kanyang mukha at katawan, at lahat ng damit na isuot niya ay babagay naman sa kanya, idagdag mo pa ang kanyang pagmakatalino, solve na solve pa rin ang madlang pipol!

AT SPEAKING OF Showtime, bigla tuloy pumasok sa isip kong itong resident judge nilang si Vice Ganda, kung saan ay napabalitang wala na rin sa Showtime. Samu’t saring chikka ang lumabas na kesyo kailangan lang daw ng komedyante na magpahinga upang makahanap ng bagong gimik. Para nga raw sa kanyang pagbabalik ay may mga bagong pasabog na katatawanan sa kanyang mga tagahanga.

Ngunit ayon sa aking parazzi girl, nag-show lamang daw itong si Vice Ganda sa ibang bansa for couple of days, kaya after nu’n babalik din siya sa Showtime. Eh, ano namang big deal kung magbakasyon? Ang big deal du’n kapag hindi na siya nakabalik sa kanyang noontime show. ‘Di ba?
BLIND ITEM: PITIK-BULAG! Mahulaan n’yo kaya itong dalawang male artists na pinagdududahan ng mga kapwa nila artista dahil sa mukhang namumuo nilang pagtitinginan?! Maging ang mga staff ng pinagsamahan nilang show ay nawindang dahil sa term of endearment nila to think na they’re both male para sa mga ganu’n bagay.

Ayos lang sana kung “dude”, “’tol”, “pare”. Kaso, iba kaparazzi! Kung ibubulgar ko pa ang kanilang tawagan ay tiyak na mahuhulaan n’yo na talaga.

Kung gusto n’yo na lang ng clue ay manonood kaya sa isang TV station na hindi kasali sa paligsahan ng malalaking network at doon ay makikita mo silang nagho-host! ‘Yun na!

Ano na-gets n’yo na? Kung hindi n’yo pa rin mahulaan ay alamin sa aking programa sa DWSS 1494 kHz weekdays from 11:30 a.m. to 12 nn, kaya makigulo at maging una sa mga chikka kasama ang aking mga parazzi girls na sina Lady Camille, Lady Ghaga and Lady Khianna. At patuloy pa rin po akong subaybayan sa DZRH TV tuwing Linggo, 2:30-3:30 p.m.

At nais ko po kayong anyayahang samahan ako mamaya at maki-chikkahan sa kauna-unahang online entertainment talkshow in the Philippines, ang… Pinoy Parazzi Live! Para sa showbiz chikkas, Pitik-Bulag at okrayan with celebrity guests ay mag log on na sa www.flippish.com/pinoyparazzi. Thank you very much and God bless us all!

Ooola Chika
E-mail: [email protected]
by Tita Swarding

Previous articleDingdong Dantes, excited sa kanyang international movie!
Next articleWillie Revillame, payag mag-guest sa Eat… Bulaga!

No posts to display