Bettina Carlos, wala raw malisya ang friendship kay Raymart Santiago

ADVERTISING

Bettina Carlos, wala raw malisya ang friendship kay Raymart Santiago

Bettina-CarlosSI BETTINA Carlos, nakaka-touch. Pinadalhan ba naman ako ng mga brownies and ‘yung parang yemang cookies sa bahay. Hindi ko nga alam kung magi-guilty ba ako dahil sa mga pinagtatatanong ko sa kanya sa presscon ng ineendorso niyang Indomee Noodles (na available na sa supermarket) o sadyang gano’n talaga siya ka-sweet sa mga friends.

ADVERTISING

Ninang kasi ‘yan ng bunso kong anak at sa tuwing birthday naman ng only child niyang si Gummy, hindi niya kami nakalilimutang imbitahin.

Pero sa presscon nga nila ng co-endorser niyang si Dino Guevarra, sinabihan namin siya sa open forum na kahawig niya si Claudine Barretto. Na agad namang nagtawanan ang mga invited press. (Sa mga updated sa balita, maku-connect the dots na nila ‘yan kumba’t nagtawanan)

“No, ang sinasabi naman nila eh, kamukha ko si Gretchen Barretto,” paglilinaw naman ni Bettina na nali-link ngayon kay Raymart Santiago.

ADVERTISING

So ano ba ang real score sa kanila ni Raymart? Sabi ni Bettina, magkaibigan lang sila dahil nagkasama sila sa Villa Quintana. At ‘yung pagpunta niya sa bahay ni Raymart kasama ang anak niya ay kasama rin ang iba nilang friends, so wala raw malisya ‘yon.

So, magkaibigan lang sila, “Mamatay ka man?”

“Yes, mamatay man ako, we’re not in a relationship. As in magkaibigan lang sila.”

Sabi namin, “Kunsabagay, ang sabi nila, ang pusa ay may siyam na buhay.  So, kung pusa ka, meron ka pang walong buhay.”

Nagtawanan. At gusto ko ang attitude dito ni Bettina. Hindi napikon. Sumeryoso lang at sinabing wala talaga silang relasyon at nasa ibang tao na kung ano ang gusto nilang paniwalaan.

But honestly speaking, gumaganda ngayon ang kumare ko.

(Pag nabasa kaya ni Mareng Bettina na gumaganda pa siya lalo ngayon, padalhan niya kaya ako uli sa house ng kanyang mga ibinebentang cakes and cookies?)

Oh My G!
by Ogie Diaz

ADVERTISING