Bettina Carlos, itinanggi ang relasyon kay Raymart Santiago

ADVERTISING

Bettina Carlos, itinanggi ang relasyon kay Raymart Santiago

Bettina-Carlos-Raymart-SantiagoNAKITA SI Bettina Carlos sa bahay ni Raymart Santiago at magkasama na nagsasaya. Kaya nagsimula ang balitang may namamagitan sa dalawa.

Pero kaagad namang nilinaw ni Bettina na walang katotohanan daw na may relasyon sila ni Raymart.

“Nagtataka ako kung saan nanggaling ang balitang iyon,” say ni Bettina. “Nagkasama lamang kami noon ni Raymart sa Villa Quintana. Dahil naging close ang cast at ang production staff. Nagyaya si Raymart sa bahay nila, pot luck nga kami pero nagluto si Raymart para sa mga bisita niya.

“Madalas nga raw ginagawa ‘yun ni Raymart at madalas invited din niya ang mga taga-GMA. Ako naman dahil I’m into baking, nagdala ako ng pastries na bini-bake ko. We are not in a relationship ni Raymart. Pagkatapos ng Villa Quintana hindi na rin kami nagkikita dahil nasa Idol sa Kusina ako sa GMA News TV and I’m busy hosting sa audition ng Bet ng Bayan in Visayas and Mindanao.

ADVERTISING

“Ako muna ang nagho-host pero sa actual presentation, it will be hosted by Regine Velasquez-Alcasid at Alden Richards,” patuloy pa ni Bettina.

When ask Raymart, hindi naman itinatwa ng actor na naging close nga sila ni Bettina at iba pang mga kasamahan nila sa Villa Quintana. Pero hanggang doon lang daw ang nangyari at walang nangyaring ligawan or relasyon.

Oh. C’mon!
By Gerry Ocampo

ADVERTISING