WHO IS BETTER: Joshua Garcia or McCoy de Leon?

ADVERTISING

WHO IS BETTER: Joshua Garcia or McCoy de Leon?

WHO IS BETTER: Joshua Garcia or McCoy de Leon?
Joshua Garcia and McCoy de Leon

MUKHANG MAGKAKAROON ng bagong rivalry sa pag-arte pag nagsimula na ang bagong teleserye ng Kapamilya Network na “The Good Son”.

 
Bongga ang mga bagets stars ng Star Magic na sina Joshua Garcia at Mc Coy de Leon at dahil may sarili na silang serye coming very soon.
 
Heard na super galing diumano sina Joshua at Mc Coy sa mga eksena nila sa bagong serye na tinatalakay ang rivalry with a twist.
 
Kung tama ang information na nakarating sa amin, tungkol daw ito sa kuwento ng dalawang pamilya na magkakatunggali ang atensyon mula sa kanilang ama.
 
Walang masyadong detalye pero hinala ko, malamang sa hindi magpaparamdam ang dalawang baguhang aktor natin sa magiging performance nila.
 
Si Joshua, pinatunayan na magaling siya. Si Mc Coy naman uma-aura sa Ang Probinsyano at ngayon nga ay ipapamalas ng binata ang galing niya sa seryosong aktingan via Instalado na isang indie film na mapapanood sa To Farm Film Festival na magsisimula today.
 
Imagine, makikipagtagisan sa acting ang dalawang bagito na super galing with the likes of Albert Martinez (reason kung bakit favorite siya ng Kapamilya Network) ay mapapahanga ka nga daw sa performance at sa repartee ng dalawa sa seasoned actor ng industriya. Magandang break ito sa dalawang bagets.
 
Sa new serye, makakasama nila sina Eula Valdez at Mylene Dizon at syempre ang ka-loveteam ni McCoy na Elise Joson (both are part of Ang Panday).
 
Kung mahina-hina ka na artista at so-so lang, malamang lalamunin ka ng tatlong magagaling nating mga seasoned performers.
 
Goodluck boys.

Reyted K
By RK Villacorta

ADVERTISING