Benjie Paras, ayaw nang patulan ang kanegahan ni Jackie Forster

ADVERTISING

Benjie Paras, ayaw nang patulan ang kanegahan ni Jackie Forster

Jackie-Forster-Benjie-ParasHINDI PA rin tumitigil itong si Jackie Forster, ha? Ang haba na naman ng litanya niya sa Instagram account para batiin lang ang anak niyang si Andre na nag-celebrate ng kaarawan niya nu’ng kamakalawa lang.

Sana kung batiin niya, batiin na lang at wala nang dagdagan ng kanegahan.

Binati mo nga ang anak mo, naninira naman ng ibang tao.

Sa post niya, si Benjie Paras na naman ang masama, na nananahimik naman ang tao.

ADVERTISING

Ayaw na nga itong patulan pa ni Benjie, dahil ganu’n at ganu’n pa rin daw ‘yan. Lalo pang lalala ‘yan.

Hindi naman sasabayan ni Benjie ang paninira niya, at pinalalabas pang siya na naman ang bida. Siya na naman ang inapi, siya naman ang tama.

Pero kahit ano pang sabihin niya, ayaw na ni Benjie na magsalita pa para lumaki pa ‘yan.

Nasa tamang pag-iisip na nga naman ang mga bata, hindi na maturuan o madiktahan ‘yan.

Siguro hintayin na lang ni Jackie na kaya na siyang tanggapin ng mga anak niya.

TIngin ko naman, sa pag-aayos naman ang kahihintanan n’yan.

Mga Mata ni Lolita
by Lolit Solis

ADVERTISING