Benjamin de Guzman, ‘di makapaniwalang bisexual ang dating kagrupong si Fifth Solomon

ADVERTISING

Benjamin de Guzman, ‘di makapaniwalang bisexual ang dating kagrupong si Fifth Solomon

Benjamin-de-Guzman-Fifth-SolomonNAGULAT ANG dating kagrupo sa Dance Squad Singers ni PBB housemate Fifth Solomon na si Benjamin De Guzman (miyembro ng Gigger Boys at Star Magic talent) sa naging pag-amin ni Fifth (mas kilala nito bilang si Bobby Solomon) na isa siyang certified bisexual.

ADVERTISING

Tsika nga ni Benjamin, “Nagulat ako! Kasi hindi ko alam na bisexual siya. Matagal-tagal din kaming nagsama, kasi magka-member kami sa Dance Squad Singers, pero hindi namin nahalata na ganu’n siya.

“Sa grupo kasi, medyo tahimik lang siya, masayahin at ‘yun nga katulad ng sabi niya, mahilig mag-request. Pero astig din ‘yan kapag may gusto siyang suggestion, ipaglalaban niya ‘yun kapag alam niyang makagaganda sa grupo. Very perfectionist kasi siya, gusto niyang maganda lagi ang performance namin, kaya lagi siyang nagsa-suggest. Pero ‘pag hindi napagbigyan ‘yung suggestion niya, tumatahimik na lang siya at hindi namin makausap. Hahaha!

“Magkaibang-magkaiba sila ng kambal niya, kasi ‘yung kambal niya (Fourth), go with the flow lang at siya ‘yung vocalist namin. Pero walang nag-isip sa amin na bisexual siya, nakikita namin na medyo malambot siya, pero hindi namin iniisip na ganu’n siya, kasi hindi naman siya nagpapakita sa amin na bisexual siya.”

ADVERTISING

Wala rin naman daw instances na nakausap nila si Fifth at umamin ng kanyang kasarian sa kanila.

“Lagi ko siyang nakakausap, pero ni minsan hindi dumapo sa gender ‘yung usapan namin. Mostly ng pag-uusap namin, tungkol sa grupo namin, tungkol sa show namin. Hindi rin naman siya nagpahiwatig na may gusto siyang sabihin sa akin or sa ka-grupo namin.

“Minsan may mga nagtatanong sa amin tungkol sa gender ni Fifth , tinatanong kami kung bakla raw ba siya. Pero sinasabi namin lagi, hindi. Kasi hindi naman talaga siya nagpapakita ng ganu’n. Lagi lang naming sinasabi na malambot lang siya, pero lalaking-lalaki,” pagtatapos ni Benjamin.

John’s Point
by John Fontanilla

ADVERTISING