Benjamin Alves, walang hilig sa babae?

ADVERTISING

Benjamin Alves, walang hilig sa babae?

Benjamin-AlvesGUWAPO SI Benjamin Alves. No doubt. Ang lakas ng appeal niya lalo pa’t kapag nakangiti na siya, ang mga tsinitong mata na nagsasara, pero ang matamis na ngiti niya ang siyang hahatak sayo sa malakas niyang karisma.

Sa bagong afternoon seryeng Dading (Daddy na Bading), he plays husband kay Glaiza de Castro na sa napanood naming trailer ng serye na pagbibidahan ni Gabby Eigenmann sa direksyon ni Ricky Davao simula ngayong hapon; nag-react ang isang beki friend namin na why not Benjamin plays the role of the bading dahil mas interesting.

Ang appeal daw kasi ng baguhang aktor ay pang-beki na kung iisipin mo na sa kaguwapuhan niya, wala man lang nali-link sa kanya na kapwa artista or napababalita na nakade-date niya or nililigawan.

Sa mga posting niya sa Instagram or Facebook account , palagi, sarili niya (solo) ang makikita mo na kung minsan kasama ang mga kaibigan niya sa kanyang sports na triathlon na palagi raw kung hindi naka-biking shorts at nakasakay sa kanyang bisikleta, waley nang naisi-share ang binata sa kanyang fans na photos.

ADVERTISING

Sa pagkakaalam ko, medyo strikto si Benjamin sa sarili. Ang alam ko, kung hindi rin lang naman siya ganu’n kaseryoso sa babae na liligawan at gustong maging girlfriend, mas gusto niya na wala na lang.

In short, hindi niya priority ang girlfriend sa buhay niya lalo pa’t maganda ang takbo ng kanyang career, na kung sumablay nga naman ang kanyang lovelife at magkaproblema sila ng girlfriend, baka maapektuhan ang kanyang trabaho, which for us is a better choice.

Is Benjamin Alves gay? Is he bisexual? I don’t know. Once lang namin siya nakatsikahan during a basketball exhibition sa Batangas a couple of months back. Sayang nga lang, hindi kami nakarating sa presscon ng Dading lang Thursday.

Reyted K
By RK VillaCorta

ADVERTISING