Benjamin Alves, teammate lang ang tingin kay Jennylyn Mercado

ADVERTISING

Benjamin Alves, teammate lang ang tingin kay Jennylyn Mercado

Benjamin-AlvesBUKOD SA taping nga Dading, nakatutok ngayon si Benjamin Alves sa training niya sa triathlon. Naghahanda raw kasi ang Kapuso actor sa isang international competition kung saan kasama niya sa kanilang team si Jennylyn Mercado.

Naging close na ba sila ni Jennylyn nang dahil sa triathlon?

“Yeah! I guess,” nangiting pahayag ni Benjamin. “We get to see each other in training. That’s pretty much it.”

Nagkakuwentuhan ba sila sa mga pagkakataong magkasama sila sa training?

ADVERTISING

“I don’t know the implication of that!” nangiti ulit na reaksiyon niya.

“Pero if you’re asking if we train together… yes! But sa pagiging close, that’s too far yet to say. Kasi training lang naman ang ginagawa namin.”

Pareho kasi silang single ngayon ni Jennylyn. At posible na dahil sa triathlon ay magkalapit sila nang husto?

“No… I don’t know about that. Ano po, e… from training to that? Ang laking lead ‘yon po, e,” muling nangiting ulit na sabi ng aktor.

“From running and biking to… that’s a big lead. I wouldn’t connect that. Training lang talaga. It’s a team. When we’re there, it’s the whole team. Hindi lang naman po ako.”

Ganyan?

Rubbing Elbows
by Ruben Marasigan

ADVERTISING