Benjamin Alves, papalit sa trono ni Dingdong Dantes?

ADVERTISING

Benjamin Alves, papalit sa trono ni Dingdong Dantes?

Benjamin-AlvesNGAYONG NALALAPIT na ang pagpapatali ni Dingdong Dantes at mamaalam na siya sa pagkabinata, aminin man niya o hindi, maiiba ang itatahak ng karir niya, lalo pa’t ang prayoridad muna ng binata ay ang kanyang bagong estado bilang may asawa.

Normal lang na magbabawas muna siya ng work load. Mas prayoridad niya for sure ang misis na si Marian Rivera na both are excited sa kasalan nila come December 30 at siyempre ang pagbubuo ng pamilya nila with matching mga anak.

With Dingdong bidding goodbye as an elusive bachelor; who’s next in line to be the next Dingdong Dantes sa kuwadra ng Kapuso Network?

Our bet na hindi nabibigyan ng magandang exposure ay itong si Benjamin Alves. Sa mga manonood ng panghapong teleserye sa GMA na Dading na magtatapos na today, siya si Joemer na na-realize niya na in love pa rin siya kay Glaiza de Castro na minsang naging karelasyon ng dalaga sa early part ng serye.

ADVERTISING

Kulang lang marahil sa tamang exposure si Benjamin kumpara sa mga overrated male stars ng Kapuso Network.

Sa recent Cosmo Bash na ginawa, isa si Benjamin sa rumampa with other male celebrities na tinilian. This only proves he is “hot” at malakas ang appeal hindi lang sa kababaihan kundi pati na rin sa bekis.

Sa katunayan, sabi ng kaibigang Mauro Feria Tumbocon, dating film reviewer at manunulat sa ‘Pinas na nag-migrate na in the 80’s sa San Francisco, CA to set up FACINE (Filipino Arts & Cinema International); Benjamin looks like ‘yong matinee idol of the 70’s na si Jojit Paredes na sikat during that time na naging ka-love team ng Star for All Seasons na si Vilma Santos. “Napaka-soulful ng mga eyes niya,” email sa amin ni kaibigang Mau.

This Saturday, he plays love interest to Giggle, isang transsexual woman played by RK Bagatsing (of the Slumber Party movie) in Wagas on GMA News TV na mapapanood at 7 in the evening. It’s another “gay story” na kung mapapansin ng mga regular viewers ng GMA News TV, hindi nakakahon ang mga palabas ng naturang istasyon kumpara sa the usual and sometimes boring shows ng GMA Kapuso.

Identified man si Benjamin as a Kapuso Star based on his previous teleserye sa naturang istasyon, one good thing we’ve learn na puwede pala siyang lumabas sa pelikula ng kalabang istasyon (Star Cinema is the film outfit of ABS-CBN) like sa current movie nila na The Trial where he plays boyfriend to Jessy Mendiola as the “rape victim” ni John Lloyd Cruz na siyang inaakusa sa kuwento sa obra ng batikang si Chito Roño na palabas na sa Wednesday, October 15.

Sa mga hindi nakaaalam, Benjamin started in showbiz sa isang reality contest ng Kapamilya Network, ayon sa writer ng The Trial na si Enrico Santos. ‘Yun nga lang, mas pinili niya or shall I say mas unang nagtiwala sa kanya ang GMA para bigyan siya ng pagkakataon.

With Benjamin’s experience working with The Trial cast ay thankful siya. “Learned so much from Direk Chito, he really does bring out the best in his actors. John Lloyd is great to work with. Anytime you work with people you haven’t worked with, you try and learn from them and I take away so much, being blessed to be in this movie.”

Kabilang sa pelikulang The Trial bukod kay Lloydie at Jessy ay sina Gretchen Barretto (as the psychologist), Sylvia Sanchez and Vincent de Jesus (as the unconventional parents of JLC na tomboy at beki) at siyempre si Richard Gomez who plays the lawyer.

Reyted K
By RK VillaCorta

ADVERTISING