Benjamin Alves, napaghihinalaang bading dahil sa kaeklatan

ADVERTISING

Benjamin Alves, napaghihinalaang bading dahil sa kaeklatan

Benjamin-AlvesDAMING EKLAT ng mga artista na marami ring kadramahan sa buhay. Tuloy iisipin mo, hindi kaya mga bakla ang mga ito or sabihin na natin na mga sinungaling.

Ang tunay na lalaki, hindi maarte sa pagsagot kung sila ng babaeng nali-link sa kanya lalo pa’t napagkikita sila kadalasan.

Kaya tanong ng kaibigan ko, si Benjamin Alves ba bading?

Yes, nagde-date sila ni Pia Wurtzbach na dating Bb. Pilipinas 2013, kung saan nakita ang dalawa na magkasama sa Baguio last August.

ADVERTISING

Sa Instagram account ng binata at ni Pia, both nag-post ng photos nila in two different instances. Sa recent Baguio tripping nila. ‘Yong photo posting ng aktor, magka-double date sila ng “partner in crime” na may kasama ring babae. Sa Instagram account posting ni Pia (@piawurtzbach) magkatabi ang dalawa sa tabi ng isang hagdanan (papunta marahil sa room nila).

Okey, hindi sila mag-on. Hindi rin sila exclusively dating tulad ng pahayag ni Jomer (karakter ni Benjamin sa afternoon teleserye ng Kapuso Network na Dading) .

Sige na nga. Loveless si Benjamin at hindi sila ni Pia. Sa Baguio vacation nila, magkasama kaya silang natulog sa iisang kuwarto at magkatabi sa kama?

 

GAME NA ipinahayag ni Ms. Boots Anson Roa na pangarap pa rin nila ng bagong mister niya na si Atty. Rodrigo na magkaroon sila ng baby. “Pero imposible at our age,” natatawang pahayag ng seasoned actress.

Sa press launch ng bagong teleseryeng Strawberry Lane ng Kapuso Network, na magsisimula mamayang gabi pagkatapos ng 24 Oras, we’ve learned na si Chanda Romero pala got married for the first time sa kanyang long-time partner for seven years na very unconventional ng kanilang pagsasama as husband and wife. “I have my own house. Meron din siya. We live separately. My husband is Filipino (non-showbiz) who grew up in the US who understands my work in showbiz. No demands siya. Sa pagsasama namin, kung minsan, dala ng backpack niya, mag-i-sleep-over siya sa house,” pagmamalaki ng aktres.

Ngayon, sino ang nagsasabi na hindi na colorful ang buhay may-asawa ng mga nasa edad 60? Not with Ms. Boots and Ms. Chanda (she’s 59 years old) na happily married ay enjoy at always excited pa rin sa kanilang mga sex life.

Sina Ms. Boots (she plays mom to Sheryl Cruz, Sunshine Cruz and Christian Bautista) and Chanda (siya si Digna na tagapamahala ng Bahay Bagong Pangarap) ang dalawa sa mga seasoned performer na kasama ng mga teenstar na sina Bea Binene, Jake Vargas, Kim Rodriguez, Kiko Estrada, Joyce Ching, Rita de Guzman, at Jeric Gonzales sa bagong serye ng Kapuso Network.

Reyted K
By RK VillaCorta

ADVERTISING