Benjamin Alves, nanahimik na ang showbiz career?

Benjamin Alves, nanahimik na ang showbiz career?

Benjamin-AlvesKUMUSTA NA kaya si Benjamin Alves? Matapos ang panghapong teleserye ng Kapuso Network na Dading where he played boyfriend of Glaiza de Castro, parang nanahimik ang showbiz career ng GMA 7 cutie na ito na huli naming napanood sa pelikulang The Trial ni Direk Chito Roño para sa Star Cinema.

We tried to connect sa kanya recently and he told us that sa katapusan ng March (31st) he is celebrating his 26th birthday. Wala pang plano kung may masayang gimik or magso-solo siya to celebrate his birthday dahil wala namang napababalitang may girlfriend siya or may nililigawan siya.

Sa darating na Saturday (March 14), he will be paired with LJ Reyes in Love is Gold episode ng Maynila seen at 10:30 in the morning on GMA 7.

Nasusundan man namin ang mga IG postings niya, mas aktibo ang career niya last year kumpara ngayong nagsimula na ang 2015.

Pagbabalita ni Benjamin sa amin, come April or May may naka-schedule siyang teleserye para sa Kapuso Network, pero wala pang detalye kung ano ito. “I’m willing to go for audition for a role,” mensahe niya.

Hindi siya maarte sa kung papaano niya maitatawid ang kanyang showbiz career. Isa sa mga remarkable project niya ay ang isang indie film sa Cinemalaya noon kasama sina Paulo Avelino at Lovi Poe, ang Sana Dati na hindi na nasundan ng mga ganu’ng projects na de-kalibre.

For 2015 we hope to see Benjamin at hindi na lang sa mga patumpik-tumpik na mga projects na p’wedeng andu’n ang karakter niya or wala na ibinibigay sa kanya ng GMA. We hope and expect Benjamin to be more visible sa telebisyon at pelikula sa taong ito.

Kung minsan, you need to exert more effort sa showbiz para maramdaman ka at hindi makalimutan kung mahina man ang management company na nagha-handle sa iyo. Sayang naman kasi, almost and’yan na si Benjamin. Malapit na.

We just hope that 2015 will be a better year than last year. Happy Birthday!

Reyted K
By RK VillaCorta