Benjamin Alves, nagtitinda na lang ng ice cream?

Benjamin Alves, nagtitinda na lang ng ice cream?

Benjamin-AlvesMATAGAL-TAGAL DIN bago masusundan ang teleserye ng guwapitong si Benjamin Alves. The last time na napanood namin siya ay sa panghapong teleseryeng Dading, bida si Gabby Eigemann, na role naman niya ay dating girlfriend ni Glaiza de Castro at groom to be ni Chynna Ortaleza.

Pero good news sa mga tagahanga ni Benj (tawag namin sa kanya), dahil masusundan na rin sa wakas ang listahan ng mga teleserye niya sa Kapuso Network. Malapit na kasing umpisahan ang A Beautiful Stranger, kung saan gagampanan niya ang role bilang anak ni Christopher de Leon and boyfriend ni Lovi Poe sa direksyon ni Abert Langitan.

One nice thing about the teleserye ay pang-primetime ang obra na ang balita namin, pamalit sa serye ni Dingdong Dantes na Pari Koy.

Sayang nga lang at hindi natuloy ang first taping day ng A Beautiful Stranger na dapat sana’y last week pa nagsimula.

While waiting for this big break para sa career niya, catch him as the “Guwapitong Sorbetero” sa mga events sa Bonifacio High Street, kung saan si Benj, with his friends, have an ice cream stand called Phat Boys. They sell handcrafted ice cream sandwiches at the Gourmand Market.

Sa sobrang init ng panahon, fabulous ang magiging ice cream experience ninyo dahil masarap na ang ice cream na itinitinda ni Benjamin, puwede pang makipag-selfie sa kanya ‘pag hindi siya busy sa pagse-serve sa mga customers nila.

Say ng Guwapitong Sorbetero, “It’s just our hobby and hopefully turned it into a full stand this year.”

Kung mag-click man ang negosyong ito ni Benjamin, why not? At least ang negosyo na kumikita, mas stable kaysa sa showbiz na suwerte-suwerte ang takbo ng career, na kung minsan nand’yan ka na, nasisilat pa.

 

Reyted K
By RK VillaCorta