Benjamin Alves, may ibang inirereto kay Glaiza de Castro

ADVERTISING

Benjamin Alves, may ibang inirereto kay Glaiza de Castro

Benjamin-AlvesCONVINCING ANG love angle sa pagitan ng mga characters na ginagampanan nina Benjamin Alves at Glaiza de Castro sa afternoon series na Dading. Ginagampanan nila ang role bilang mga magulang ng batang inaruga na parang tunay na anak ng isang bading portrayed by Gabby Eigenman.

ADVERTISING

“And whatever helps the story, game naman kami ni Glaiza,” ani Benjamin. Kahit ‘yong kissing scene pa, komportable na kami. Nag-uusap kami before no’ng mga scenes na gagawin namin pati ‘yong what to expect para walang nabibigla sa eksena. Actually first week pa lang namin ng taping, may kissing scene na kaagad kami, e. Siguro nakatulong din ng malaki ‘yong magkakilala na kami before. Nagkatrabaho na kami. Sa scene namin, tulungan. Bigayan. Iyon ang maganda. Walang madamot sa set dahil nagbibigayan nga sa scenes.”

Nagmamarka na sa viewers ang chemistry nila ni Glaiza. Parang loveteam na ang dating nila.

“Actually happy kami na gano’n. May mga bumibisita pa sa set na natutuwa sa aming dalawa. Meron pa ngang nagbigay ng naka-frame na picture namin ni Glaiza. Malaki ang fan-base niya at nakatutuwa naman na ‘yong followers niya ay tanggap ‘yong team-up naming dalawa. Nakikita ko rin sa Twitter na ‘yong response po naman, nakatutuwa. Marami talaga ang sumusubaybay sa Dading. Tapos marami rin ang nagri-react kasi love na love nila si Carding,” pagtukoy niya sa daddy na bading na ginagampanan nga ni Gabby.

ADVERTISING

“Sinusubaybayan talaga at nauunawaan ng viewers ‘yong lahat ng characters at kung bakit gano’n ang nangyayari. Kung maganda man ang reception sa aming dalawa ni Glaiza, it only means because we’re really good friends. At saka kami po nina Glaiza, Gabby, at Chynna (Hortaleza), nag-uusap po kami lagi. Kasama rin po namin si Direk Ricky (Davao). Nakapagba-bonding po kami. We go to the same church. At ito po ‘yong result ng pagiging ano… magaan lang po talaga. Na magandang nakapagbibigayan. Nagbibigay sa ‘yo. Nari-receive mo. Nakapagbibigay ka rin.”

Hindi raw nakikita ni Benjamin na ‘yong closeness nila ngayon ni Glaiza ay hahantong sa mas espesyal pang pagtitinginan. Talagang friendship daw ang pundasyon ng magandang samahan nila.

“May iba akong itinutukso sa kanya. May iba rin siyang itinutukso sa akin. Secret na lang naming dalawa kung sino. Basta gano’n po!” sabay tawa ni Benjamin.

“Sa amin na lang ‘yon. And… basta magkaibigan po kami. But then again, hindi naman po porke magkaibigan lang kami, nawawala na ‘yong pagka-focus namin sa characters namin. Kasi nakatutulong po na close kami. Kesa hindi kami magkakilala na nagkakailangan kami.”

Ayaw talagang sabihin ni Benjamin kung sino ang itinutukso sa kanya ni Glaiza. Gusto niyang maging malihim na pagdating sa kanyang lovelife?

“No. Ayoko lang pong pangunahan. If ever na people see us somewhere out, hindi ko naman po itatago ‘yon. Kasi hindi naman po talaga maitatago ‘yon, e. I just don’t want na mapangunahan. Ayoko lang po na gano’n. Kasi ang pangit naman po sa babae na… for one, ina-announce na hindi pa naman. Wala naman pala. So, I just wanna be safe. I just wanna honor ‘yong… whoever you’re dating, whoever you’ll gonna date na… at the right time. Pero I will never hide it. I’ve never hidden anything from you guys. I’ve always answered truthfully naman about whoever I’m linked with.”

Rubbing Elbows
by Ruben Marasigan

ADVERTISING