Benjamin Alves & Glaiza de Castro: The Gentleman and The Rock Chick

ADVERTISING

Benjamin-Alves-Glaiza-de-CastroBENJAMIN ALVES
Full Name: Benjamin Sapida
Birthday: March 31, 1989
Zodiac Sign: Aries
Symbol: The Ram
Ruling Planet: Mars
Quality: Cardinal

GLAIZA DE CASTRO
Real Name: Glaiza Castro Galura
Birthdate: January 21, 1988
Zodiac Sign: Aquarius
Symbol: The Water Bearer
Ruling Planet: Uranus
Quality: Fixed

ISANG MAGANDANG programa na naman ang isinalang ng GMA Network sa kanilang Afternoon Prime line-up noong Hunyo. Ito ay ang DADING, na pinagbibidahan ng versatile actor na si Gabby Eigenmann. Ka-join din sa cast sina Glaiza de Castro, Benjamin Alves at Chynna Ortaleza.
Napanood namin ang pilot episode nito and in fairness, may chemistry sina Benjamin at Glaiza, huh? It reminds us of Piolo and Angel. Wala lang Hek-Hek!
Bagong tambalan, bagong lovelife? I-tsek natin kung may chance na maging together in real-life ang dalawang Kapuso stars na itetch!
In fairness, achieve na achieve ang degree of compatibility ng Aries at Aquarius. Pareho silang independent at talagang binibigyan nila ng importansya ang kanilang freedom. Para sa dalawang zodiac, mareresolba nila ang problemang kinakaharap sa pamamagitan ng dynamic approach. Ang maganda sa pagsasamang ito ay nirerespeto nila ang uniqueness at individuality ng isa’t isa. Importante para sa kanila na mai-express nila ang kanilang personal creativity.
Palaging susuportahan ng Aquarius ang lahat ng proyektong gagawin ni Aries. Bukas naman sa mga comments and suggestions ang Aries at madalas na sinusunod nito ang mga ideya na ibaba-hagi ng Aquarius. May mga pagkakataong maiimbyerna ang Ram sa bigla-biglang pagde-decide  ng Aquarian, but it’s not really a big deal. Dahil parehong energetic ang dalawa, siguradong walang boring moments na magaganap. In short, iz a match!
Sa relasyon ng Aries na lalaki at Aquarius na babae, given na ang babae ang ‘manager’ ng kanilang pagsasama. Ito ay dahil sa mas malawak ang pang-uunawa nito at kaya nitong mag-adjust kung sakaling mag-alburuto bigla ang lalaki. Pagdating naman sa romansahan ay hindi magpapahuli ang Aries sa pagpapa-init nito. In short, sa buhay man o sa kama, kering-keri nila ang ever lasting relationship! Va-va-voom-broom!
Parehong single sina Benjamin Alves at Glaiza de Castro at gusto namin sila para sa isa’t isa. Maliban sa parehong good-looking at talented, both of them have good public image. Push n’yo na ‘yan!

Pares-Pares

By Madam DaminBenjamin Alves & Glaiza de Castro: The Gentleman and The Rock Chick

ADVERTISING
ADVERTISING