Belle Mariano, nakapasok sa Goin’ Bulilit kahit hindi nag-audition

BELLE MARIANO is one of Kapamilya Network’s best bet for stardom. Hit lahat ng kanyang proyekto with her onscreen (and offscreen?) partner na si Donny Pangilinan at ngayo’y nni-launch nito ang kanyang personal YouTube channel.

For her first vlog ay puro mga ‘first’ ni Belle sa showbiz ang kanyang naisipang pag-usapan. Isa na rito ang kanyang interesting story sa pagpasok sa ‘Goin’ Bulilit‘. Alam niyo ba na hindi talaga opisyal na nag-audtion ang dating childstar noong 2012?

Belle Mariano, nakapasok sa Goin' Bulilit kahit hindi nag-audition
Belle Mariano (2022) | Belle Mariano during her Goin’ Bulilit Days

Sa edad na 9 ay nakapasok sa Goin’ Bulilit si Belle, pero hindi siya dumaan sa usual process ng pag-audition. Kuwento niya ay sinamahan niya ang isang kaibigan na parte din ng programa, pero naispatan siya ng creator ng programa na si Direk Bobot Mortiz.

“Sabi niya sa akin na parang, ‘Uy, salang ka, salang ka sa isang skit namin.’ So ako, game, kasi I really want to,” kuwento ng dalaga.

Pagkatapos ng kanyang unang pagsalang sa kamera ay pinabalik siya muli ng direktor the following week hanggang sa siya ay maging regular cast member ng programa.

Pagbabalik-tanaw pa niya, “Hindi siya really an audition for me because parang na-invite lang ako doon, and I enjoyed it.

“I really enjoyed it, because ever since I wanted to be on those types of shows since growing up, nanonood na ako ng Barney.”

First teleserye naman ni Belle ang ‘Lorenzo’s Time’ noong 2012. Ito ay pinagbidahan ng fellow child actor na si Zaijian Jaranilla with Carmina Villaroel.

Pagdating naman sa kanyang karera bilang teen actress, una lang daw niya naramdaman na sumisikat na ang tambalan nila ni Donny Pangilinan (a.k.a. DonBelle to fans) nang mag-sign up ito sa Twitter.
“I think, na-realize ko when I started to use Twitter. They are commenting and giving feedback about my acting, my posts.

“I don’t remember when. Pero check niyo na lang po yung Twitter ko, kung kailan po ako nag-start,” pagbabahagi ng aktres.

Tungkol naman sa una niyang pagsabak sa vlogging, “Siguro, me, talking to the camera and stuff, I did a vlog before and I never worked out guys.

“Tinray ko talaga, ang hirap ng edit, ang hirap lahat. Pero iyong as in talaga na prepared ako, it’s this one,” pagtatapos ng dalaga.

Sure kami na weekly na mag-aabang ang mga fans ni Belle na talagang all-out sa pagsuporta sa dalaga at sa ka-loveteam nito na si Donny Pangilinan.

 

 

Previous articleDonnalyn Bartolome, nag-sorry sa kanyang ‘sexy baby’ photoshoot
Next articleBarbie Forteza, may rebelasyon tungkol kina Jak Roberto, Kiko Estrada at Andre Paras; may kinainisan sa Mano Po?