Bella Padilla, ‘di raw minamadali ng boyfriend na si Neil Arce

ADVERTISING

Bella Padilla, 'di raw minamadali ng boyfriend na si Neil Arce

Bella Padilla and Neil Arce
Bella Padilla and Neil Arce

Ang bata naman ang unang heartbreak ni Bella Padilla. She was only 20 years old. September 12 ‘yong first break-uip niya with her ex-boyfie.

Sa pagkikita nila, akala ni Bella Padilla ay magkakabalikan sila ng boyfriend niya dahil nag-split sila thru text lang. In short tampuhang pururut lang ‘yong text break-up na ang pagtatagpo nila ay mauuwi muli sa loving-loving.

After ng “text break-up” nila ng kanyang boyfriend ay tuluy-tuloy pa rin ang regular communication nilang dalawa na akala niya ay parang walang nangyari. Walang pagbabago. Sila pa rin dahil back to the usual text tsikahan silang dalawa.

Pero after ng text tsikan nila, nagkita sila muli ng ex-boyfriend niya.

ADVERTISING

“Akala ko magbabalikan kami kaya kami magkikita. Kasi nag-break lang kami sa text. ‘Yun pala, nire-ready niya lang ako. Pagkakita niya sa akin, sabi niya sa akin, “okay lang ba, may liligawan na akong iba?”” na ikinawindang ng mundo ni Bella.

Pero one funny lovelife experience ni Bella na during the formal break-up nila: “Wala siyang dalang kotse. Ako pa’ng naghatid sa kanya pauwi,” nangingiting kuwento ni Bella sa televiewers ng “Gandang Gabi Vice” ni Vice Ganda.

Ang support hugot sa break-up nila ng kanyang boyfriend ay ang “last hug” na ni-request niya sa lalaki na halos umabot nang 30 minutes na ayaw pa niyang bumitaw.

Pero when we had the chance to make a short chika with Bella’s current boyfriend na si Niel Arce na co-producer ng Viva Films with his N2 Production (with Boy2 Quizon & Cholo Baretto) sa pelikula ni Bella na “Camp Sawi” together with Andi Eigenmann, Yassi Pressman, Kim Molina, and Arci Muñoz, tila bini-baby ni Niel ang girlfriend.

“Bata pa ‘yan,” sabi ni Niel sa amin.

Kaya doon sa mga magtatanong kung kailan sila ikakasal, short reply ni Niel sa amin, “Wala pa. Hinahayaan ko muna siyang ma-enjoy ang buhay niya. I’m not in a hurry. We’re both enjoying outr relationship muna. Marami pa siyang (Bella) pangarap na gusto ko niyang marating kaya hindi ko siya minamadali.”

Sa August 24 ang showing ng pelikula, kung saan makasasama ng girls na may mga hugot sa kanilang lovelife sina Sam Milby at Dennis Trillo sa direksyon ni Irene Villamor na love namin ang obra niyang “Relaks, It’s Just Pag-ibig” noon nina Iñigo Pascual, Sofia Andres, at Julian Estrada.

Reyted K
By RK VillaCorta

ADVERTISING