Bela Padilla, scriptwriter ng pelikulang ‘Last Night’ nina Piolo Pascual at Toni Gonzaga!

ADVERTISING

Bela Padilla, scriptwriter ng pelikulang 'Last Night' nina Piolo Pascual at Toni Gonzaga!

Bela Padilla, scriptwriter ng pelikulang 'Last Night' nina Piolo Pascual at Toni Gonzaga!
BELA PADILLA

MINAHAL AT KINAINISAN natin siya recently bilang Stella sa 100 Tula Para Kay Stella, na certified-box office hit during and after the Pista ng Pelikulang Pilipino run. Masasabi natin na ang likha ni Jason Paul Laxamana about genuine love ng isang torpeng college boy from the province sa kanyang rockstar dream leading lady ay talaga namang nag-trigger ng samu’t saring emosyon sa mga manonood. 

As a leading lady ay napatunayan na natin na Bela Padilla is one of the few gems na keri sa mainstream at indie circuit.

Bela Padilla proves na napaka-rare niya talaga dahil sa pelikulang ‘Last Night’ ni Bb. Joyce Bernal, hindi bida si Bela. Hindi rin siya supporting actress – siya ang scriptwriter!

Yes, she was commissioned to write the reunion movie of the memorable tandem of Piolo Pascual and Toni Gonzaga na huli natin napanood sa heavy drama-romance film na ‘Starting Over Again’ shown four years ago.

ADVERTISING

Sa mga bitin sa TONIOLO tandem (shelved ang teleseryeng pagbibidahan dapat nila), worth the wait naman ang paghihintay dahil isang dark romantic comedy daw ang Last Night.

As of writing ay wala pang malinaw na synopsis of character background sa mga papel na gagampanan nina Piolo at Toni, pero knowing how choosy si Toni sa mga ginagawa niyang movie projects, Bela’s story and script must be really good!

 

Deeper conversations ❤️ #LastNight

A post shared by Bela Padilla (@belapadilla) on


Ang tantsa ay sa last week of September daw ipapalabas ang pelikula. After this project ay may dalawang pelikula pang gagawin si Bela as a leading lady. Ang isa nga ay ang asawa ni Toni na si Paul Soriano pa ang direktor nito.

Bela Padilla, iba ka! Keep rocking, girl!

Showbiz Blogster
by Mica Rodriguez
Pinoy Fans Club

ADVERTISING