Bela Padilla, pinatsugi raw ni Maja Salvador sa “Ang Probinsiyano”

ADVERTISING

Bela Padilla, pinatsugi raw ni Maja Salvador sa "Ang Probinsiyano"

Maja Salvador
Maja Salvador
Bela Padilla
Bela Padilla

Kumalat sa social media na si Maja Salvador ang sinasabing dahilan kung bakit natsugi ang character ni Bela Padilla na si Carmen sa “Ang Probinsyano”.

Sa isang Facebook fan page, PamintaSuperstar.com, ay nasulat na na-insecure daw itong si Maja dahil mas click ang character ni Bela that she asked executives para tigukin na ang character nito.

“After ng April 06 episode ng Ang Probinsyano kung kelan namatay si Carmen, nagkaroon ng discussion sa programang Mismo sa DZMM sina Jobert Sucaldito at MJ Felipe. Pinag usapan nila ang pagkamatay ng character ni Bela Padilla, that even them are disappointed. According to Jobert, madaming writers and members of the production team ang nagsabi na ang pagkawala ng character ni Bela ay request ni Maja Salvador dahil pakiramdam nito ay nasasapawan ang character nya ng character ni Bela. Diumano ay di nila inaasahan na mas tatanggapin ng tao ang Carmen-Cardo loveteam at lalong di nila inaasahan na mas madaming susuporta kay Bela kesa sa kanya. Ito na rin siguro ang sagot bakit pinaglaruan sa teleserye ang character ni Carmen. Originally, 8 weeks lang daw dapat si Bela sa serye, pero dahil sa di inaasahan pagtanggap at pagmamahal ng fans kay Carmen pina-stay sya at tumagal nang mahigit 20 weeks. Dito na daw nagreklamo sa production si Maja na tanggalin na si Bela agad dahil tumatagal nang nasasapawan sya. Dapat ay focus na lamang sa kanya as the leading lady. Bilang original Kapamilya star at homegrown talent ng ABS CBN, priority nilang pakinggan si Maja. To the bashers or ayaw maniwala, I would like to reiterate ito po ay napanood ko sa DZMM Teleradyo sa programang Mismo, originally hosted by Jobert Sucaldito and Ahwel Paz. Pero last night absent si Ahwel at si MJ Felipe ang kasama ni Jobert. Sila ang tanungin nyo through their social media accounts kung may tanong kayo about this. I don’t think naman na idi-discuss nila ito on national teleradyo kung di reliable ang source nila. I was a fan of Carmen-Cardo-Glen loveteam pero naawa ako sa ginawa kay Bela, at mas naawa ako sa production team ng Ang Probinsyano na walang magawa sa salita ng isang aktres na malakas sa management.”

Totoo ba ito Maja? Pakisagot nga.

ADVERTISING

Kasi, para sa amin ay mabait naman si Maja at hindi siya capable na magpatsugi ng isang co-star sa anumang show.

That said, we felt na iniintriga lang si Maja dahil merong naiinggit sa kanya.

Lex Chika
by Alex Valentine Brosas

ADVERTISING