Bela Padilla, naiiyak ‘pag pinagsasabihan ni Coco Martin

Bela Padilla, naiiyak ‘pag pinagsasabihan ni Coco Martin

Bela-PadillaHINDI INAKALA ni Bela Padilla na mabibigyan agad siya ng malaking role ng ABS-CBN sa paglipat niya rito. Leading lady kaagad siya ni Coco Martin sa Ang Probinsyano.

“Unexpected ang lahat. Hindi ko na-imagine na sa first teleserye ko sa ABS-CBN ay si Coco Martin agad ang makakatrabaho ko,” bulalas agad ni Bela.

Wala rin daw siyang pakialam kahit pa mother role ang ibinigay sa kanya.

“First time kong magka-role nang ganito, mas mature, tapos meron kang anak, tapos ang asawa mo pulis. Ganito pala ‘yung pinagdaraanan nila, so ‘yon,” kuwento pa niya.

May times din daw na naiiyak siya kapag kinakausap siya at pinagsasabihan ni Coco.

“Gusto niya kasi, mapabuti ako, kaya nakakatuwa. Eh, nu’ng umpisa kasi, hindi pa kami ganu’n ka-close. Ngayon, mako-consider ko na siya na isang mabuting kaibigan,” sey pa niya.

“Actually, sa ABS, wala pa akong masyadong kaibigan na very concern sa akin like Coco, kaya tinatanggap ko na lang kapag pinagsasabihan niya ako, kasi alam ko naman na para sa akin din ‘yon,” dagdag pa ng aktres.

La Boka
by Leo Bukas