Bela Padilla at Louise delos Reyes, nag-isnaban sa taping ng isang game show

ADVERTISING

Bela Padilla at Louise delos Reyes, nag-isnaban sa taping ng isang game show

Bela-Padilla-Louise-delos-ReyesANG DAMI raw apektado ng bagyong Glenda, dahil sa sobrang lakas ng hangin.

Wala pa kasi ako sa bansa at nakikibalita lang ako sa mga bakla kung ano nagaganap diyan!

Naloka nga ako na pati ang malaking kahoy sa harap ng bahay namin, nabuwal daw ng hitad na Glenda na ‘yan.

Mabuti at marunong namang gumawa ng paraan ang mga kasamahan ko sa bahay, kaya naayos na yata nila. Hindi ko pa sila nabalitaan diyan uli.

ADVERTISING

Nabalitaan ko rin na nasira daw ang mga salamin ng car shop ni Dingdong Dantes sa may Parañaque.

Nagbagsakan daw ang mga salamin, at malaking pinsala daw ang nangyari sa shop niya.

Nag-post din si Regine Velasquez sa Instagram account niya na pinasok daw ng tubig ang bahay nila. Mabuti at hindi naman tumuluy-tuloy ang ulan, kaya naayos naman nila.

Na-cancel ang halos na taping ng mga programa ng GMA 7 kaya naghabol sila ngayon ng taping.

Mabuti at napaghandaan naman nang husto itong dumating na malakas na bagyo kaya hindi ganu’n kalala ang pinsalang nangyari.

Ang dinig ko, merong isa pang bagyong padating kaya naloloka na naman ang kababayan natin sa sunud-sunod na bagyong ‘yan.

Ang nakakaloka pa n’yan, pangmatagalan ang brownout kaya maraming negosyong masisira n’yan.

Bukod pa riyan, hihina ang viewership sa TV shows, kaya malamang na mababa ang ratings natin n’yan. ‘Yun na!

 

NAG-ISNABAN DAW sina Bela Padilla at Louise delos Reyes sa taping ng Celebrity Bluff nu’ng nakaraang Martes lang.

Siyempre, kamag-anak ni Bella si Kylie Padilla, at feeling nito, may atraso ang bida ng Kambal Sirena kay Kylie kaya hindi niya talaga ito pinapansin.

Naintriga nga mga staff na nandu’n sa taping dahil talagang dedmahan daw ang dalawa.

Nakikita pa raw nila na parang gustong batiin ni Louise si Bela, pero itong huli raw ay parang hindi nakikita ang Louise.

Nang umalis tuloy si Louise, nabangga niya ang kotse ng isang writer doon dahil sa sobrang inis siguro.

Hindi raw niya napansin ang naka-park na kotse ng isang writer du’n sa Celebrity Bluff.

Mabuti at hindi naman daw gaanong nasira at siyempre kaya namang ipaayos ‘yan ni Louise.

Nagpa-interview na pala sa akin si Louise na lumabas sa Startalk at dini-deny naman niya ang lahat.

Gusto raw sana niyang makausap nang maayos sina Kylie at pati na rin sila ni Enzo Pineda pero hindi pa raw nagkaroon ng chance.

Abangan na lang natin ‘pag nagsalita na si Aljur. Kaya lang, hindi pa yata ready.

Ewan ko kung kelan maging ready pa ‘yan. Hindi yata alam kung ano ang sasabihin.

Unlike, Louise na ang galing-galing magsalita. Hindi mo tuloy mahalata ang ibang sinasabi niya kung totoo o hindi.

Mga Mata ni Lolita
by Lolit Solis

ADVERTISING