Bela Padilla, Kapamilya na; leading lady ni Coco Martin sa bagong teleserye

ADVERTISING

Bela Padilla, Kapamilya na; leading lady ni Coco Martin sa bagong teleserye

Bela-PadillaWALANG BINANGGIT na dahilan si Bela Padilla kung bakit lumipat siya sa ABS-CBN mula sa pagiging contract star ng GMA-7. Ang tanging nasabi lang niya ay matagal na raw niyang gustong matrabaho sa ABS-CBN. Ipinag-pray rin daw niya na makatrabaho si Coco Martin.

“Kaya nu’ng nalaman ko na ang first assignement ko sa ABS-CBN ay makakatrabaho ko agad si Coco, hindi talaga ako makapaniwala. Dream come true ito for me,” excited niyang pahayag. At take note, bongga ang role ni Bela dahil siya ang gaganap na asawa ni Coco sa Ang Probinsyano, huh!

Hindi na namin naitanong kay Bela kung kailan nag-expire ang kontrata niya sa GMA at kung sino ang nagdala sa kanya sa Dos. Pero kitang-kita sa mukha niya ang saya na maging isang Kapamilya.

“Alam ko na hindi magiging ganu’n kadali ang gagawin kong pag-a-adjust, pero alam ko naman na kakayanin ko ang lahat. Magagaling ang mga artista ng ABS-CBN, and I want to learn from them. Nagpapasalamat din ako sa tiwala sa akin ng Dreamscape at sa chance na ibinigay nila sa akin to be part of this big project,” sey ulit niya.

ADVERTISING

La Boka
by Leo Bukas

ADVERTISING