Bela Padilla, direktor na nina Zanjoe Marudo at JC Santos sa bagong pelikula

MULTI-TALENTED talaga ang Kapamilya actress na si Bela Padilla.

Siya lang naman ang writer/director ng upcoming movie titled ‘366‘ na pagbibidahan din niya kasama sina JC Santos at Zanjoe Marudo.

Bela Padilla, direktor na nina Zanjoe Marudo at JC Santos sa bagong pelikula
Zanjoe Marudo, Bela Padilla and JC Santos

May fanbase na ang ‘hugot’ loveteam nina JC at Bela. Una silang nagsama sa ‘100 Tula Para Kay Stella’ na sinundan ng ‘The Day Before Valentine’s’ at pre-quarantine 2020 hit film na ‘On Vodka, Beers and Regrets’. Kahit na never sila na-link romantically ay nakabuo na ng onscreen chemistry ang dalawang magaling na aktor kaya naman palagi silang sinusuportahan ng kanilang mga tagasubaybay.

On the other hand, first time naman makakasama ni Bela sa big screen ang kanyang ‘My Dear Heart’ leading man na si Zanjoe Marudo. May mga tsika pa nga na ‘may something’ sa pagitan ng dalawa, na hindi lang nag-progress dahil sa mga bagay-bagay na sila lang ang nakakaalam.

Bela Padilla, direktor na nina Zanjoe Marudo at JC Santos sa bagong pelikula
Bela Padilla and JC Santos

Kinumpirma mismo ni Bela sa pamamagitan ng mga Instagram Stories updates niya na maglo-lock-in shoot na sila para sa kauna-unahang directorial job niya na siya rin ang bida at writer. Ikaw na talaga, Bela!

Noong December 31, 2020 ay may post si Bela na may ‘366’.

“366. I have never been in awe of, and physically stopped by an amount of time like I have this year. But I am better because of it. Time to start fresh next year, so, let’s all clear our hearts and our minds and be kinder people. The fact that you and I woke up today is something to be extremely grateful for. I am grateful for the people I love, the people that love me, and people I am about to meet and will fall in love with. You all pulled me through 2020. Thank you,”

“Also, if you dare enter 2021 without learnings from this year, let’s not cross paths next year, k?” pagtatapos nito.

Bela Padilla, direktor na nina Zanjoe Marudo at JC Santos sa bagong pelikula
Zanjoe Marudo and Bela Padilla

Sa mga hindi nakakaalam, co-writer si Bela ng 2016 barkada film na ‘Camp Sawi’ at ang 2017 Piolo Pascual-Toni Gonzaga starrer na ‘Last Night’.

Is this going to be another hugot movie? Sure na ‘yan. Ang hindi natin sure ay kung sino ang pipiliin ni Bela onscreen kina Zanjoe at JC. Excited na ba kayo?

Pero wait… kailan ipapalabas ang mga pending films ni Bela sa Viva na ‘Spellbound’ at ‘Ultimate Oppa’? Paging VIVA!!!