Bela Padilla, ‘di pa raw nakikitang artistang-artista na siya

ADVERTISING

Bela Padilla, ‘di pa raw nakikitang artistang-artista na siya

Bela Padilla
Bela Padilla

After lumabas sa hit series na “Ang Probinsyano” at sa latest movie niyang “Camp Sawi”, masasabing tumaas na ang level ng pagiging artista ni Bela Padilla na bida naman ngayon sa Cinemalaya movie na “I America” na magkakaroon ng commercial run sa September 21.

Ramdam na ba niya ito?

“Minsan nga po pagkagising ko, nakalilimutan ko na artista ako, eh. Ang gulo kasi ng buhok ko ‘pag bagong gising ako… Wala pa, eh. Hindi ko kasi nakikita ‘yung sarili kong ganu’n. Parang… naka-flat shoes nga lang po ako. Kung sa ibang artista, siguro baka heels na ang suot, ‘di ba?” rason ni Bela.

Hindi raw niya nakikita na talagang artistang-artista na siya.

ADVERTISING

“Hindi ko kasi nakikita ‘yung sarili ko na ganu’n. Saka nai-enjoy ko kasi ‘yung pagka-behind the scenes din. So, I think that’s something naman na I appreciate about myself, na hindi ko binibigyan ‘yung sarili ko ng expectations na ‘O, dapat after nito ‘yung next movie mo ganyan na.’

“Wala pa naman akong ganu’n at sana hindi ako magkaroon. Wala akong ganu’ng expectations sa sarili ko, so, mas masarap magtrabaho kasi masaya lang ako, gusto ko lang yung ginagawa ko,” katuwiran pa niya.

La Boka
by Leo Bukas

ADVERTISING