Bela Padilla, ‘di nagse-celebrate ng birthday

ADVERTISING

Bela Padilla, ‘di nagse-celebrate ng birthday

Bela-PadillaLAST SATURDAY, May 3 ang 23rd birthday ni Bela Padilla. Pero wala siyang party o anumang celebration kundi ‘yong sa Sunday All Stars (SAS) lang.

“Hindi naman kasi ako nagsi-celebrate talaga ng birthday,” aniya. “I went to Boracay for an event but not to celebrate my birthday.  So at least parang napasabay na.”

Bakit ba hindi siya nagsi-celebrate ng birthday?

“Ah… sa religion kasi,” pagtukoy niya sa kinaaanibang religious sect na Jehova’s Witness.  “Kaya hindi ako nagsi-celebrate talaga. But I’m happy na marami akong natanggap na gifts. At least ano, sobrang bait ng… Una sa lahat ng sponsors ko, thank you sa cakes, flowers, at mga gifts na natanggap ko. Pagpunta ko ng Boracay, ang dami kong nabuksang regalo. So nakakatuwa. Thank you so much. And sa managers ko rin, maraming salamat. Also saka sa mga friends ko, sinurprise nila ako at saka ni Neil (Arce, her boyfriend).”

ADVERTISING

Nag-dinner date sila ni Neil? “Hindi. Kasi my lola is in the hospital. So, medyo everyday kaming nagbabantay.”

Meron ba siyang birthday wish? “Wala. Kasi nga I don’t really celebrate my birthday. Pero, I guess more of just a general wish na lang and not really a birthday wish. Ano lang… siguro to continue what I’m doing  and to be happy all the time!”

Masaya naman daw siya ngayon sa buhay niya. Balanse ang magandang takbo ng kanyang career at personal life pati na ang relasyon nila ni Neil.

Kamakailan ay nanalo siyang Best Supporting Actress sa Gawad Tanglaw.  Ito ay para sa pelikulang 10,000 Hours kung saan bida ang uncle niyang si Robin Padilla.

Anong pagbabago sa kanyang pakiramdam ang inihatid ng pagiging award-winning actress na rin niya?

“Parang hindi naman nagbago. Pero nakakatuwa lang na nari-recognize na ‘yong work ko. Meron palang nakakapansin no’ng effort na ginagawa namin. And ano lang, siguro mas naging confident ako sa sarili ko ngayon. Kapag pupunta ako ng taping, mas confident na ako.”

Ganyan?

Rubbing Elbows
by Ruben Marasigan

ADVERTISING