Bela Padilla, desperadang sumikat?!

ADVERTISING

Bela Padilla, desperadang sumikat?!

Bela Padilla, desperadang sumikat?!SINCE LAGING NABABANGGIT ngayon ang pangalan ni Bela Padilla (na dating si Krista Solivan) na sinasabing kinulong at pinagseselosan daw ni Marian Rivera, gusto lang naming i-share ang naging experience namin noon sa kanilang mag-ina nu’ng panahong nagrereyna-reynahan silang dalawa sa Loko- moco High sa TV5.

Nagrereyna-reynahan? Yap, literally e, ginawa nilang dalawa ‘yon kaya takot sa kanilang dalawa ang halos lahat ng mainstays sa naturang gag show.

Kami noon ang chairman ng screening committee ng Search for Page Image model some years back, kung saan siya sumali at natalo at nag-protesta. She took it personally kaya nang nalaman nilang mag-ina na kasama sa mainstay ang aming talent na si Sofia Sarmiento sa Loco Moco High, every taping day nila itong pinariringgan ng masasakit na salita until nagkagulo na sila sa production.

“Yaiks! Tingnan mo ang kanyang legs, hindi maganda… yaiks, ang skin niya, hindi flawless!”

ADVERTISING

‘Yan ang ilang mga personal comments na sinabi ng mommy ni Bela kay Sofia point blank. Nagkataon na present din ang mommy ni Sofia nang taping na ‘yon kaya your guess is as good as ours, naghalo ang balat sa tinalupan, so to speak.

Dinuru-duro ng mommy ni Bela si Sofia while hurling invectives against her kaya umiyak nang major-major ang neophyte star. Hindi pa tumigil du’n ang mommy ni Bela dahil talagang kinausap pa niya ang executive producer ng naturang gag show para tanggalin si Sofia just to get back at us dahil kami nga ang kanyang sinisisi kung bakit hindi nanalo ang kanyang anak sa isang search noon.

And same thing happened. Nagpa-presscon din si Bela after all the incidents para makapag-ingay and now, ginawa ulit nila ang kanilang ginawa noon. Nagpa-presscon ulit ang mag-ina para maka-eksena sa Dingdong-Marian relationship.

Now, iniisip tuloy namin. Ganu’n ba ka-desperate ang mag-ina para mapag-usapan lagi si Bela at maging laman ng TV talkshows and print? Dahil kung ganu’ng desperada siyang maging star, baka siya rin ang bida sa mga blind items recently na diumano’y may isang female young star na ginamit ang charm sa isang TV executive para makapasok sa network?

Uy, just asking lang, huh! Baka magpa-presscon ulit ang mag-ina para lang sagutin ito at kung sakali, invite n’yo naman kami, huh! Hek-hek-hek!!!

FOR MORE THAN three decades in showbiz, ngayon lang susubok ang Ulirang Artista ng Star Awards na si Gina Pareño sa stage via American Hwanggap, na magsisimula na sa October 3 sa Tanghalang Aurelio Tolentino sa CCP.

For a backgrounder, may touch of Korean culture ang stage play na ito dahil ang ‘hwanggap’ ay isang tradisyon sa Korea kung saan sine-celebrate nila ang 60th birthday ng isang tao at sa istorya, sine-celebrate nila ang 60th year ni Direk Mario ‘O Hara, na gumaganap na asawa ni Tita Gina.

Parang baguhan si Tita Gina dahil muntik na siyang mag-back out. Lagi raw kasi siyang ninenerbiyos kapag nagre-rehearse sila kung hindi lang sa suporta na ibinibigay sa kanya ng kanyang mga kasamahan sa stage aside from the fact na matagal na niyang pangarap na maging stage actress.

We look forward on watching Tita Gina acting sa stage na at her age right now e, walang dudang kakabugin pa rin niya ang mga stars natin on their 30s dahil fresh na fresh pa rin ang kanyang beauty… pwamis!!!

Sour-MINT
by Joey Sarmiento

ADVERTISING