Bela Padilla, binalikan ang kanyang big move sa Europa

BINALIKAN ng Fil-British actress na si Bela Padilla ang mga karanasan niya nang magdesisyon siyang lumipat sa UK para doon na manirahan noong nakaraang taon.

Sa kanyang recent Instagram post ay binalikan niya ang araw na lumipad siya sa Europa na may intensyon na lumipat for good sa United Kingdom by September 2021. Para ipagdiwang ang kanyang major move ay binalikan niya ang Zurich, Switzerland, ang lugar kung saan nag-umpisa ang lahat.

Bela Padilla, binalikan ang kanyang big move sa Europa
Bela Padilla

“One year after and I’m not afraid to get into cold water anymore,” panimula nito.

“When I’m asked what I do for a living, I often joke that I’m jobless or that I’m on a sabbatical. But in the last year, I released my directorial debut ‘366,’ wrote two scripts that are now in preproduction, invested in things and people I believe in, started a business (@amberandaqua) with my friend, met amazing people who do what they love, I attended events I would only just see on social media, travelled to cities and countries I only imagined in our taping tents and have experienced life more than I ever have before,” dagdag nito.

Nag-umpisa ang showbiz journey ni Bela fifteen years ago. Ayon sa kanya, ngayon lang daw niya nararanasan na mabuhay bilang siya at hindi ang mga karakter na ginampanan niya.

“I have such a great group of people around me constantly pushing me forward. I celebrate this move with an even more persistent drive, looking forward to what’s next.”

Hinikayat din niya ang kanyang followers to take her post as a sign to just do it. “Take this as your sign to go to unchartered territories and to really live your life!”

 

Previous articleBea Alonzo’s love advice to Francine Diaz: ‘Respect Yourself’
Next articleTAMIS! Kim Chiu may sweet birthday message para kay Xian Lim