Bela Padilla ‘back to basics’ ang buhay sa London

Leo Bukas

LONDON-BASED na ngayon ang aktres na si Bela Padilla. Pero babalik naman daw siya ng Pilipinas sa Abril para sa i-promote ang pelikulang 366 na directorial debut niya kung saan siya rin ang bida at nagsulat ng script.

Sa solo digital presscon ni Bela para sa 366 ay ibinahagi ng aktres na masaya siya dahil maganda ang simula ng pasok ng taong 2022 sa kanya.

Bela Padilla ‘back to basics’ ang buhay sa London
Bela Padilla

“I think this year, the universe really conspired for me to be happy and to be complete as a person. So, I was able to achieve so many firsts in my life, aside from 366, which is my directorial debut and first film na I guess talagang ang feeling ko I created,” masayang pahayag ni Bela.

Dugtong ng aktres, “I was able to move to London, start a life here. I was able to figure out things I want for myself in the next few years, and I think malaking blessing siya kasi nagawa ko siya during the pandemic so I’m very thankful.”

Pagkatapos ng commitments ni Bela sa Abril sa Pinas ay babalik din daw ito agad sa London.

“Babalik ako ng April to promote 366 with Zanjoe Marudo and JC Santos. Pero for now, this is my home base, so babalik din ako dito (London) after April,” sabi pa niya.

Habang nasa bansa sa Abril ay tatapusin din ni Bela ang syuting ng isang pelikula kasama si Marco Gumabao na nahinto ang shooting noong March 2020 dahil sa covid-19 pandemic.

Aniya, “Kailangan ko mag-continue ng shoot ng Spellbound pag-uwi ko ng Pilipinas kasi naiwan namin siya, naabutan kami ng pandemic nung nagsu-shoot kami ni Marco. I will do that in Manila in April.”

When asked kung kumusta naman ang pamumuhay ni Bela sa London ay inamin ni ng aktres na kumportable naman siya kahit mag-isa  lang siyang namumuhay sa UK.

“I would say life is good at the moment. I’m enjoying London. I’m having fun here. Medyo back to basics po ako ngayon.

“Siyempre, wala akong kasama. Nawala lahat ng mga bagay na nagpapakomportable sa buhay ko sa Pilipinas, like wala akong kotse dito. Hindi ako marunong mag-drive sa right side ng kotse, so ayoko siyang subukan.

“Wala yung driver ko dito, wala yung assistant ko. So, back to basics po ako ngayon. Lahat ako muna ang gumagawa and I’m enjoying it. I have always been quite independent but I think this complete aloneness is new to me, but I’m liking it,” kuwento ng Kapamilya aktres.

Mapapanood ang 366 sa Vivamax sa Abril.

Previous articleElla Cruz sinampal at tinawag na laos ng kaklase
Next articleVLOG WATCH: A Day in the Life of Bianca Umali