Bela Padilla, ayaw nang gumawa ng teleserye?

ADVERTISING

Bela Padilla, ayaw nang gumawa ng teleserye?

Bela Padilla
Bela Padilla

Sa pelikula raw muna magku-concentrate ngayon ang bida ng “I America” na si Bela Padilla. Ito ang ipinahayag ng dalaga nang huli namin siyang makausap sa pocket presscon ng Cinemalaya movie niya na nagkaroon ng theatrical run simula Sept. 21.

Hindi ba niya nami-miss gumawa ng teleserye?

“Nami-miss din, pero iba kasi ‘yung fulfillment ng mapanood mo rin ‘yung isang buong pelikula na alam mo na ‘yung ending. Kumbaga, sa isang upuan, may result ka na. Kasi nga, hanggang ngayon, hindi pa rin nahahanap ‘yung pumatay kay Carmen (sa “Ang Probinsyano”),” pahayag ni Bela kaya nagtawanan ang press.

“‘Di ba, sa totoo lang po, parang ang hirap mag-move-on ‘pag sa soap? Kasi ‘yung lahat ng magandang mangyayari sa bawat characters, sa dulo pa mangyayari ‘yon. Eh, ‘pag pelikula, makikita mo agad. Lalabas ka sa sinehan na okey na,” patuloy pa niya.

ADVERTISING

Meron daw namang offer sa kanya to do a teleserye, pero hindi raw talaga niya ito kakayanin.

“Actually, may mga ibinibigay naman po, pero kasi meron din po akong uumpisahan na movie ngayong October kaya nag-decide ‘yung Viva muna na baka next time.

“Hindi ko naman po tinatanggihan. Gusto ko nga po, pero naka-yes na po kasi kami sa material, so nakakahiya na bawiin pa ‘yung sinabi mo and matagal na pong in-offer sa akin ‘yon… Alam ko po, ‘yung next show ko, sa Dreamscape pa rin naman po,” sabi pa niya.

La Boka
by Leo Bukas

ADVERTISING