Beking TV host, bilang na ang mga araw sa isang TV network!

AWARE KAYA ang isang beking TV host na parang bilang na ang araw niya sa isang network?

Hindi pala feel ng asawa ng isang network executive ang beki. Feeling kasi niya ay marami silang talent na dapat bigyan ng break kaysa sa kanya dahil in reality naman ay talent siya ng kabilang network.

Iisa na lang ang show ng TV host na hindi pa talk show kundi soap at baka hindi na ito masundan pa.

Ang tsika, nagpaparamdam na raw ang TV host sA isang network.

Eh, bakit kaya hindi siya bigyan ng show ng istasyon na kanyang pinanggalingan?

(By Alex Brosas)