Becky Aguila, gustong diktahan ang Startalk?! – Ronnie Carrasco

Becky Aguila, gustong diktahan ang Startalk?! - Ronnie CarrascoBecky Aguila, gustong diktahan ang Startalk?! - Ronnie CarrascoINALMAHAN (AS USUAL) ni Becky Aguila ang Startalk feature story nitong Sabado tungkol sa pagpapakulong kay Rowena “Mel” Pulmano, dating alalay ng kanyang alagang si Jennylyn Mercado charged with 19 counts of qualified theft.

Sa bisa ng isang arrest warrant issued by the Quezon City RTC Branch 77 na pirmado noon pang September 8, 2009, nasakote si Mel sa bahay ng pinsan ng kanyang asawa sa San Mateo, Rizal nitong October 29.

Narito ang buong text message ni Becky which was first sent to Startalk’s talent coordinator: “Hi, can you pls kol Jen now para masabi niya on air dat she never got to tok to Mel. Ginawa n’yo na naman kami kontrabida. Kelan nyo ba mare-realized d harm dis Mel Pulmano had cozd us. Wer sa disappointed with the way u handled dis vtr.”

[ad#post-ad-box]

The same message was forwarded to me by Becky after she was told na ako ang sumulat ng script. Sorry, but I thought I did not have to call Jennylyn. What Becky failed to realize, ilang beses nang puro side lang nila ang inilalabas ng Startalk minus Mel’s, that being so, bakit hindi nagrereklamo ni minsan si Mel na ginagawa siyang kontrabida ng programa?

Ang hirap naman kay Becky, she simply wants their side aired. Hindi ba siya natigalgal na napakulong na niya ang pinaratangan nilang nagnakaw (daw!) ng pera ng alaga niya?

Becky should know better. Hindi lang kami nagpang-abot nu’ng college sa FEU but we took up the same course (masscom). Dapat alam niya ang balanced reporting. Ano’ng gusto niya, puro side na lang nila ni Jen, is it because Mel has nothing to lose dahil isang hamak lang naman siyang alalay?

Hayan na nga’t nakapiit na for a non-bailable crime, hindi pa ba sapat ‘yon para magdiwang si Becky? Makapagpiyansa man si Mel, kung wala naman nitong perang pambayad, isn’t this victory enough for Becky? So, kung hindi pa ito sapat, then what does Becky want to see of Mel para sumaya siya nang bonggang-bongga… tigok?

Ibang klase ka, Becky. You’re one of a kind. You’re made of inhuman stuff that known no God. And I don’t apologize for saying this!

ON A LIGHTER note, napaiyak naman ang mag-inang Mommy Elsie at Aiko Melendez seeing their 11-year old boy Andrei does a catwalk in a recent Bench fashion event.

Makikita n’yo sa larawan dito ang ipinagmamalaking hitsura ng bagets na ayon nga kay Aiko ay: “Ron, kamukhang-kamukha ko siya, huh!” Aminado ang aktres-politiko that she’s a stage mother herself.

Bumalik din kasi sa alaala ng kanyang ex-husband na si Jomari Yllana ang beybing-baby pa noong si Andrei, only to see him grow up to be a smart, handsome boy… who’ll give his parents a run for their money!

Pero for now, ang gusto ni Aiko for Andrei ay pagrampa lang muna, taking the showbiz  plunge can wait. “Naku, kung dito nga lang sa modelling, stage mother na ‘ko, how much more kapag artista na si Andrei, ‘no!”

Oo nga naman, stage mother knows best.

Pepperoni
by Ronnie Carrasco III