Because of Kris Aquino: President Noynoy Aquino’s lovelife cannot escape media’s attention!

ADVERTISING

 Because of Kris Aquino: President Noynoy Aquino’s lovelife cannot escape media’s attention! OLA CHIKKA NOW na! Oh, no… oh, yes now na! Well para sa maraming insecure sa mundo, hahaha! Nakakatawa ang mga eksena talaga, at hindi tinatantanan ang mga isinusulat ko.

Heto na nga ang isyu, simulan na natin dahil nakiusap nga si Pangulong Noynoy na ibalato na nga lang sa kanya ang panliligaw niya, at nakiusap nga sa media na huwag na rin munang pakialaman ang pansariling lovelife niya.

ADVERTISING

At ‘yun ang hindi natin maiiwasan dahil trabaho natin ang mag-react. At talaga namang hindi rin natin maiiwasang huwag pakialaman at hindi pansinin, dahil isa nga siyang presidente at kapansin-pansin na hanggang ngayon, wala nga siyang nagiging asawa o girlfriend man lang. Talagang maloloka ka nga ‘pag may bagong paningin na kung sino ang dyowa niya, o bagong nakakasama niya o idine-date.

Kaya kung ako kay Pangulong Noynoy, mag-asawa na siya para tantanan na siya ng media o ng kung sino man, dahil ‘yun lang ang dahilan para manahimik na ang media.

Pero heto na nga ang isyu, hindi naman siya papansinin ng media at hindi rin naman mapag-uusapan ‘yan kung hindi ang kapatid niyang bunso na si Kris Aquino ang unang magre-react at unang gumagawa ng eksena.

ADVERTISING

Paano titigil ang media kung ang sarili niyang pamilya ang nag-uumpisa. Ang taray, ‘di ba?

Ang tanong nga ni Baby James, sino ang bagong gf ng kanyang uncle? Ang taray, pati si Baby James, nakikisali na rin! Pak!!!

 

DUMAKO NAMAN TAYO sa patok na patok na isyu ngayon na sina Jennylyn Mercado at Luis Manzano na may something na, dahil inamin ni Luis na nagde-date sila nitong aktres na ‘to. At inamin din ni Jennylyn na na-meet na nga niya ang ina ni Luis na si Vilma Santos.

Ang mas nakakalokang isyu, ang bilis naman talagang magpalit nitong si Jennylyn. Hindi makuntento na walang boylet. Kaya tuloy ang sinasabi ni Dennis Trillo, si Jennylyn pa raw ang nagkakalat ng hiwalayan nila. Nakakaloka talaga.

Dapat hindi magkatuluyan sina Luis at Jennylyn, dahil hindi naman sila bagay. At in fairness, hindi ako naniniwala sa isyung ito, unless na lang kung may gagawin silang pelikula, ‘di ba? ‘Yun na!

 

BLIND ITEM: PITIK-BULAG! Sino siya? Sino itong singer at TV host na ‘to na ubod ng hinhin pero ubod naman pala talaga ng arte at super malandi raw talaga ito sa personal?

Ito nga ang nasabi sa akin ng mga kaparazzi natin, dahil nga ‘pag naka-on-cam, akala mo talaga ay hindi makabasag-pinggan at ‘pag off-cam naman daw, hindi raw totoong mahinhin ito, at hindi pa raw ito namamansin.

Ano ang masasabi n’yo na hindi pala totoong mabait at mahinhin itong TV host na ito? Sino siya? Hmp! Gets n’yo na ‘yan… ‘yun na!

 

Kaya kung ako sa inyo, para sa more chikka… more fun, makinig kayo palagi sa programa ko kasama ko si lady Camille ang aking anak sa DWSS1494khz 11:30 hanggang 12:00 nn at every Sunday sa DZRH666khz 2:30 to 3:30 pm… ayan ha siyempre hindi mawawala ang PINOY PARAZZI LIVE tuwing Biyernes sa internet.

 Because of Kris Aquino: President Noynoy Aquino’s lovelife cannot escape media’s attention!

Ooola Chika

E-mail: tita_s2006@yahoo.com

by Tita Swarding

ADVERTISING