Because of drug abuse: Jiro Manio’s rehabilitation is voluntary

ADVERTISING

Because of drug abuse: Jiro Manio’s rehabilitation is voluntary

Because of drug abuse: Jiro Manio’s rehabilitation is voluntaryMARCH 14, 2011 pa pala nang boluntaryong pumasok sa rehabilitation center ang magaling na young actor na si Jiro Manio, ang dati’y naba-blind item lang na bagets actor na lulong na sa droga.

ADVERTISING

Sa isang rehab center na ayaw ipasabi ng source ang pangalan nito, hayun si Jiro at kasaluku-yang nagpapa-rehab, dahil sa pagkakalulong nito sa ipinagbabawal na gamot.

Akala nga nami’y mananatiling secret sa showbiz ang pagpasok ni Jiro sa rehab, pero sa isang awards night recently ay nakumpirma nga ang balita mula sa isang director.

Ayon sa chika ng aming informant, voluntary, at hindi pinuwersa o pinilit si Jiro na pumasok na sa rehab, at naging madamdamin pa nga ang tagpong ‘yun nang mahigpit siyang yumakap sa ama nito, nu’ng nag-desisyon na ito.

ADVERTISING

Sa ngayon, ayon pa rin sa isang source, ang motto raw ng rehab center kung saan nandoon si Jiro ay “no sex, no drugs, no violence”, lalo na’t halos mga kasing edad ni Jiro ang mga kasama niya sa loob.

Isang taon daw ang ipamamalagi ni Jiro sa loob, as against Baron Geisler na ilang months lang. Marahil ay depende nga sa case.

Kung si Baron ay alcohol ang case, si Jiro ay drugs, at a very young age, na tila dahil sa peer pressure o bad influence ng maling barkada.

We certainly wish na gumaling nang husto si Jiro. After all ay mahusay siyang actor, one of the best in his generation, kung kaya’t masasayang ang talent niya ‘pag hindi niya tatalikuran ang bisyong muntik nang sumira ng kanyang buhay.

Mabilis naman ang one year kung tutuusin. Sana lang ay matuto na talaga siya, no!

 

NAGBABALIK- SHOWBIZ AT nagbabalik-Viva ang beauty ni Tanya Garcia na ngayon ay isa nang hot mama pero beautiful pa rin, as in pretty kung pretty pa rin.

May dalawa nang anak kay Mark Lapid (anak ni Lito Lapid), apat na taon ring nagpahinga sa showbiz si Tanya, at naging full-time mom muna ng kanyang 3-year-old cutie girl, at meron pa siyang bunso ngayon na baby pa lamang.

Balik-Viva si Tanya dahil a few days ago ay nagbalik-“tahanan” ang magandang aktres sa management ng Viva Artists Agency headed by Ms Veronique del Rosario-Corpus, kung saan nanggaling dati si Tanya nu’ng nagsisimula pa lamang ito sa showbiz.

Pumirma si Tanya ng management contract sa VAA, the same company na humahawak rin ng careers nina Cristine Reyes, Ara Mina, Carlo Aquino, Mark Bautista, etc.

Siyempre pa’y nandiyan rin sa Viva management under Boss Vic del Rosario sina Sarah Geronimo, Gabby Concepcion, among others.

Na-miss daw ni Tanya ang acting and she gave it a try muli, dahil praktikal nitong sinabi na sayang naman daw ang maraming inquiries coming her way, upang magbalik-telebisyon man lang muna, and so, Tanya Garcia is back.

Wala pang masabi ang Viva kung ano’ng TV station magkakaroon ng bagong show si Tanya sa kanyang pagbabalik, pero huli siyang napanood sa GMA-7.

Matatandaang halos naging ka-batch niya sina Dingdong Dantes, Antoinette Taus, etc. Nagkaroon ng ilang teleseryes noon sa Siyete, at nagka-pelikula rin.

Ngayon, walang kiyeme si Tanya kung mother roles na ang maging offer sa kanya, total eh mother na naman daw siya in real life, basta bongga pa rin ang role, at hindi na siya magiging “choosy”, huh!

Welcome back, Tanya!

Mellow Thoughts
by Mell Navarro

ADVERTISING