Because of Bela Padilla: Marian Rivera is turning down offer to be paired with Robin Padilla?

ADVERTISING

 

Because of Bela Padilla: Marian Rivera is turning down offer to be paired with Robin Padilla?

Because of Bela Padilla: Marian Rivera is turning down offer to be paired with Robin Padilla?

OLA CHIKKA NOW na! Oh, no… oh, yes… now na! Yes, chikkahan na naman tayo at walang sawang eksena ito. Dahil ito ngang si Marian Rivera, paawa effect lang ang mga naging eksena niya noong nakaraang interview niya about Heart Evangelista, gaya nga ng chikka ko sa inyo noon.

Pero ngayon, nakawiwindang na ang chikka. Tinanggihan daw ni Marian si Robin Padilla na makatambal, dahil kamag-anak daw ito ni Bela Padilla.

ADVERTISING

Ay, naku… ano ba naman ‘yan?! Kung ako sa ‘yo, i-grab ko na ‘yan. Sayang ang offer, trabaho lang dapat at walang personalan, ‘di ba? ‘Di porke’t kamag-anak ni Bela ‘yun ay tatanggihan mo na, ‘teh! Hahaha! Kawindang, ‘di ba?!

At pinagbawalan na rin ni Marian si Dingdong Dantes na makatambal si Heart, dahil nga sa inaway nga siya nito, at kasama pa ang madir sa mga eksenang ganyan.

Ano ba naman kasi?! Nakakawindang talaga ‘yang mga ganyang eksena. Pati ang dyowa mo, pinagbawalan mo na rin. Dapat kung ano ang bet ni Marian, dapat sundin ng boylet?! Pak!

 

AT HETO NAMAN ang chikka, dahil paulit-ulit ko ngang sinasabi na wala talagang something sina KC Concepcion at Piolo Pascual. Ayan, napatunayan na dahil may pumalit agad.

Pumalit nga agad itong si Princess Velasco, ang bagong singer, at fresh din. Dahil dapat nga raw, ‘pag kumanta si Piolo, siya raw ang maggigitara rito. At siyempre pa, ni-request din daw ni Piolo na maka-duet si Princess.

Ang taray naman talaga! Baka dito, may something pa. Pero kay KC at Piolo, hindi talaga ako naniniwala. Ayan, another… pak!

 

BLIND ITEM: PITIK-BULAG! Sino siya? Sino naman kaya ang aktres na ito na talaga namang matagal na sa showbiz industry? Kaya raw ito talagang na-rehab ay super lala na raw nito, at may bali-balitang sinasaktan niya ang mga anak niya.

Naku naman, akala ko naman, nasa ospital lang siya. Kaya nawala panandalian. Kawawa naman itong sikat na aktres na ito. Clue: Kalalabas lang nito sa rehab at balik-telebisyon agad.

 

KAYA KUNG AKO sa inyo, para sa more chikka… more fun, makinig kayo palagi sa programa ko kasama ko si lady Camille ang aking anak sa DWSS1494khz 11:30 hanggang 12:00 nn at every Sunday sa DZRH666khz 2:30 to 3:30 pm… ayan ha siyempre hindi mawawala ang PINOY PARAZZI LIVE tuwing Biyernes sa internet.

Ooola Chika
E-mail: tita_s2006@yahoo.com
by Tita Swarding

ADVERTISING